Taas noong tinuruan ng resident Team Payaman cook na si Dudut Lang si Kuya Inday kung paano maghanda ng healthy meal plans para kay Cong TV.
Mapagtagumpayan kaya ni Kuya Inday ang pagbuo ng healthy meal plan para sa mag-asawang Cong at Viy?
Sa latest vlog ni Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, personal na lumapit ang kapwa niya Team Payaman member na si Cong TV upang magpaturo ng ilang healthy recipes.
Kwento ni Cong, naging eye opener para sa kanilang pamilya ang pagsugod nila kay Viy sa hospital dala ng sobrang pagod sa trabaho.
“Mayroon akong tinignan kagabi [na healthy meals] kasi nahospital ‘yung asawa [si Viy] ko eh. Ngayon, ako, sabi ko hindi pwede ‘to. Hindi pwedeng ‘yung isa sa amin may mali na [sa kalusugan],” ani Cong.
Humingi ng tulong si Cong kay Dudut upang maturuan si Kuya Inday na makapagplano at makapagluto ng healthy meals na kanilang kakainin sa araw-araw.
Taas-noong sinamahan ni Dudut ang dalawa sa pamamalengke ng mga gagamiting sangkap sa kanilang mga lulutuin.
Matapos makapamili ay agad na nagluto sina Dudut sa kusina nina Cong upang maturuan na si Kuya Inday.
Ilan sa kanilang mga niluto ay Arrozcaldo Oats, Chicken Breast, Pan-seared Tuna, at Pork Giniling.
Samantala, marami ang nag-iwan ng komento matapos mapanood ang latest vlog ni Dudut.
@trishiagaces4814: “Parang napapamura na lang si Kuya Inday sa isip niya sa dami ng gagawin HAHAHAHAHA”
@aljonamora3674: “Bat energetic si Cong pag si dudut kasama sa Cooking show..haha”
@leosilaroy5691: “Na pressure na si kuya inday HAHWHSHAHHAHAHAHAHA!”
@gtpeabrain8112: “The Cong, the Dudut, and the Inday!”
Watch the full vlog below:
Puno ng tawanan, kuwentuhan, at simpleng saya ang bagong vlog ni Cong TV na "PAHINGAE"…
A new family partnership is here for Mommy Viy Cortez-Velasquez and her son Kidlat as…
Sa unang episode ng CARTFUN, nakasama ni Viy ang aktres na si Julia Montes para…
Seeing children bring their imagination to life can make family moments even more meaningful, especially…
Team Payaman's very own Boss Keng celebrates another milestone as his official pickleball team, Alfonso…
Sa kaniyang pinakabagong vlog, nagbigay si Bok ng masayang pasilip sa pagsisimula ng kaniyang Pickleball…
This website uses cookies.