Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Celebrate New Milestone at YouTube Awards Night

Isang espesyal na milestone ang ibinahagi ng Team Payaman couple na sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez matapos silang maging bahagi ng kamakailang YouTube Awards Night bilang presenters.

Mula YouTube FanFest Creator Camp hanggang YouTube Awards Night, tunghayan ang ilan sa mga naging bahagi ng kanilang YouTube journey.

YT Awards Night

Sa isang Facebook post, nagpahayag ng pasasalamat si Viy Cortez-Velasquez sa YouTube Works matapos nilang dumalo ni Cong TV sa YouTube Awards Night, isa sa mga kaganapang nagtitipon ng mga creator mula sa YouTube community.

Ayon kay Viy, malaking bahagi ng kanilang buhay bilang content creators ang YouTube, kaya naman naging makahulugan para sa kanila ang naturang karanasan.

“Thank you, YouTube Works, for this amazing opportunity and for having us as one of your presenters. YouTube has been a huge part of our lives and our journey, and I’m truly grateful to be part of this special moment,” ani Viy.

Matatandaang noong 2017 ay kabilang si Cong TV sa mga creator na dumalo sa YouTube FanFest Creator Camp, isang programa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga content creator na makilahok sa workshops, activities, at iba pang event na kaugnay ng YouTube FanFest.

Sa vlog na “FAMEWHORE CREATORS CAMP,” ibinahagi ni Cong ang kanyang pagpunta sa World Trade Center para sa nasabing event. Habang ipinapakita ang venue ng YouTube FanFest, pabirong sinabi ni Cong na balang araw ay makikita rin ang kanyang mukha sa entablado.

“Next year mga paa, makikita niyo na ‘yung mukha ko diyan. Sinisigurado ko ‘yan sa inyo. Ngayon, mangarap muna tayo,” ani Cong noon.

Bukod sa kanilang pagdalo sa event, nakisabay rin sina Cong at Viy sa viral TikTok trend na popularized ng editor na si Vadik Munzhiu (Вадик Мунжиu). 

Sa pamamagitan ng mabilis na transitions at magkakasunod na clips mula sa YouTube Awards Night, ibinahagi nila ang ilan sa mga eksena at karanasan nila sa nasabing programa.

Congratulatory Messages

Samantala, umani naman ng pagbati at positibong mensahe mula sa mga netizen ang pagdalo nina Cong TV at Viviys sa YouTube Awards Night.

Lilia Roberly Tanji: “Congratulations sa inyong dalawa.”

Lybz Martinez: “Well deserved! Congratulations, Viy Cortez-Velasquez and Cong TV!”

Edita A. Flores: “Congratulations po, idol. More blessings po sa inyo.”

Mellany Cregencia: “Congrats, CongViy.”

Mary Jane Benson: “Power couple, Cong TV and Viy Cortez-Velasquez.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

13 hours ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Lead Purple Hearts by Kryzl’s Spooktacular Product Launch

Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…

18 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

22 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

7 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

1 week ago

This website uses cookies.