Viy Cortez-Velasquez Showcases ‘Bangus Sisig ala Viviys’ in Latest Vlog

Isang bagong episode ng kanyang vlog series na “Cooking Ina” ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez, kung saan itinampok niya ang paggawa ng “Bangus Sisig ala Viviys.”

Tunghayan kung paano inihanda ni Viviys ang kanyang sariling version ng bangus sisig at kung ano ang naging reaksyon ni Cong TV matapos itong tikman.

‘Bangus Sisig ala Viviys’

Sa simula ng vlog, inihanda ni Viviys ang mga pangunahing sangkap para sa sisig mixture, kabilang ang sibuyas, pula at berdeng sili, sisig sauce, all-purpose cream, pepper, liquid seasoning, at mayonnaise. Matapos tikman ang pinaghalong sangkap, sinimulan naman niyang lutuin ang bangus.

Habang nagluluto, inamin ni Viy na na-deep fry niya ang bangus sa halip na pan-fry, bagay na hindi niya orihinal na plano. Gayunpaman, sinabi niyang naging maayos pa rin ang resulta dahil hindi nadurog ang isda.

Matapos durugin ang nalutong bangus at ihalo ito sa inihandang sisig mixture, inilagay niya ang natapos na bangus sisig sa pinagbalatan ng isda bago lagyan ng karagdagang mayonnaise bilang finishing touch.

Cong TV’s Final Verdict

Sa pagtatapos ng vlog, pinatikim ni Viviys ang kanyang “Bangus Sisig ala Viviys” sa asawang si Cong TV. Matapos tikman ang pagkain, nagbigay si Cong ng positibong komento at rating na 8.5 out of 10 bago kalauna’y itinaas ito bilang biro habang nagbibiruan ang mag-asawa.

Ayon kay Viy, isa sa mga sangkap na nakatulong upang makuha ang nais niyang lasa ng sisig ay ang paggamit ng sisig sauce, na aniya’y nagbigay ng mas madaling paraan upang mabuo ang timpla ng kanyang putahe.

Watch the full video below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

11 hours ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Lead Purple Hearts by Kryzl’s Spooktacular Product Launch

Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…

17 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

21 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

7 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

7 days ago

This website uses cookies.