Team Payaman’s Boss Keng Takes His Pickleball Skills to a Court Tournament

Mula sa pagiging organizer slash manager, naging manlalaro naman si Boss Keng sa ikalawang araw ng pickleball tournament na tampok sa kanyang vlog.

Organizer to Player

Sa simula ng vlog, makikita ang grupo na naghahanda para sa kanilang mga laban. Kung noong unang araw ay sila ang abala sa pag-oorganisa ng tournament, ngayon naman ay sila na mismo ang nasa loob ng court at kailangang harapin ang kanilang mga makakalaban.

Hindi rin nawala ang kulitan ng grupo bago magsimula ang kanilang mga laro. Tampok ang biruan tungkol sa pagiging competitive at “toxic” kapag seryoso na sa laban. Sa kabila nito, kapansin-pansin ang kanilang excitement at determinasyong maibigay ang kanilang best sa bawat match.

Mas naging exciting ang tournament nang magkaroon ng challenge kay Boss Keng ang Pickle Poppers PH, kung saan inalok siya ng pagkakataong makakuha ng libreng paddle kapag nanalo sa kanilang susunod na game. Dahil dito, mas naging determinado siya na makuha ang medalya.

Winning Moment

Habang nagpapatuloy ang kanilang mga laban, maririnig ang sunod-sunod na sigawan mula sa kanilang teammates kasama na rin ang kanyang asawa na si Pat Velasquez-Gaspar na full-support sa kaniya. 

Makikita rin ang ilang intense rallies at crucial points na lalong nagpaangat sa competitive atmosphere sa court. 

Sa huli, hindi lamang puro kompetisyon ang naging highlight ng araw. Nabigyan din si Pat bukod kay Boss Keng ng paddle dahil sila ay nanalo sa laro. 

Naging bonding moment din ito para sa kanila at kaniyang mga kasama, na puno ng tawanan, asaran, teamwork at sportsmanship mula simula hanggang matapos ang kanilang pickleball tournament experience.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

14 hours ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

18 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Lead Purple Hearts by Kryzl’s Spooktacular Product Launch

Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…

20 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

24 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

7 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

1 week ago

This website uses cookies.