Isang nakakakilig na surpresa ang handog ni Burong sa kaibigang si Dudut Lang bago manood ng pelikulang ‘Spiderman: Brand New Day.’
Tunghayan ang mga tagpo sa couple movie date nina Burong, Aki, Dudut, Kristel, pati na rin ni Genggeng.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang mga tagpo sa kanilang panonood ng bagong Spiderman movie.
Bilang pasasalamat sa kaibigan si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut, isang sorpresa ang hatid niya para rito.
Walang kaalam alam si Dudut sa plano ni Burong kaya sumama nalang siya at nakisaya sa kanilang movie date.
“Sama ka sa amin ni Aki. Hindi ka third wheel dito, kasama natin si Genggeng,” pangako ni Burong.
Pagkadating sa mall ay wala paring ideya si Dudut sa surpresang hatid nina Burong at Aki sa kanya.
“Andiyan na ‘yung surprise ko sa’yo. [Si] Mary Jane ‘to! You are not a third wheel and a fourth wheel with my wife because I have a surprise for you,” ani Burong.
Maya maya pa ay nagulat si Dudut nang makitang si Kristel Toledo pala ang tinutukoy na surpresa ni Burong.
“Ang layo niyang dito Doy, pinapunta mo!” pag-aalala ni Dudut.
Hindi matanggal ang ngiti ni Dudut nang makatabi na si Kristel. Maya maya pa ay nanonood na ang kanilang grupo ng nasabing pelikula.
Samantala, marami ang kinilig at naghatid ng kanilang komento matapos mapanood ang vlog ni Burong.
@krissiemarie6609: “Sana may part 2!”
@tipsyris: “Best wingman burong hahahahaha, ayan dami na nating naka ngiti hahahahahahahaha”
@revinapink: “Kilig much! More vlogs with Dudut Lang and Kristel Lang!”
Watch the full vlog below:
Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…
Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…
Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…
Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
This website uses cookies.