The Cortez-Velasquez Family Heads to Japan for Kidlat’s Birthday Celebration

Lumipad pa-Japan ang pamilya Cortez-Velasquez upang ipagdiwang ang ikaapat na kaarawan ni Kidlat.

Silipin ang mga masasayang tagpo sa kanilang kauna-unahang international trip bilang family-of-four.

JAPANESS

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga tagpo sa nagdaang Japan trip ng kanilang pamilya.

Sa byahe pa lang ay hindi na maitago ang excitement ni Kidlat sa kanilang trip kasama ang kanyang mga magulang at kapatid.

“Taas diba [ng eroplano]? Tingnan n’yo guys!” buong galak na saad ni Kidlat.

Isa rin sa ikinatuwa ni Mommy Viy ay ang pagkakataong makasama nila ang bunsong si Tokyo na magbakasyon sa Japan sa kauna-unahang pagkakataon.

“Dati, nung nandito kami sa Japan, buntis ako. Ngayon nandito na siya [Tokyo]. Alam mo ba nasa Tokyo ka? Name mo ‘yun!” pagbati ni Viviys sa kanyang bunso.

Pagkauwi ay agad naman nilang sinalubong ang kaarawan ni Kidlat sa pamamagitan ng pag-awit at paghandog ng mini cake rito.

Kinabukasan naman ay ipinagdiwang ng kanilang pamilya ang kanyang ikaapat na kaarawan nang magpunta sila sa Tokyo Disneyland upang mamasyal.

Siniguradong mabili nina Mommy Viy at Daddy Cong ang mga laruang nagustuhan ni Kidlat para sa kanyang kaarawan, pati na rin ng kapatid niyang si Tokyo.

Matapos ang kanilang Disneyland adventure, ipinaranas din nina Mommy Viy sina Kidlat at Tokyo ang ilang mga aktibidad gaya ng pet feeding, pagpunta sa mall, pagkain, at paglalaro sa indoor playground.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naghatid ng kanilang komento matapos mapanood ang Japan adventure nina Viviys, Cong TV, Kidlat, at Tokyo.

@shenesmeria: “Napaka solid naman ng edit!”

@meynardjayson2268: “Mga nag comment muna, bago tapusin ang video!”

@JohnMarkRaquiño: “2:07 – 3:14 kudos sa editor ang lupit mo!”

@iyahpot01: “Ang cute nung animation. Lumalaban na rin mga editors ni Viviys!!! Kudos!

@marychellealada6303: “Grabe talaga editor!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

6 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

10 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

10 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

10 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.