Kasunod ng pagbabahagi ni Boss Keng ng pagbuo ng Team Alfonso para sa nalalapit na Maharlika Pilipinas Pickleball Tour (MPPT), ipinakita naman niya sa kanyang bagong vlog ang naging takbo ng unang araw ng Alfonso Pickleball Open 2026 sa Silang, Cavite.
Tunghayan ang naging pagsisimula ng tournament para sa mga Alfonseño players, kung saan personal na nakibahagi si Boss Keng bilang manager ng kuponan at isa sa mga nangasiwa sa mga aktibidad ng kompetisyon.
Sa simula ng vlog, ipinakita ni Al Quiza ang paghahanda para sa tournament bilang organizer para sa araw na iyon, kabilang ang pagpapaliwanag ng tournament format at mga alituntuning susundin ng mga kalahok sa iba’t ibang dibisyon.
Dumalo rin sa pagbubukas ng tournament si Alfonso Mayor Randy Salamat, na nagpahayag ng suporta sa nalalapit na pagsabak ng kuponan sa MPPT. Ayon sa kanya, layunin din ng programa na maipakilala ang bayan ng Alfonso at ang mga lokal na manlalaro nito sa mas maraming lugar.
“Ipakilala ‘yung Alfonso sa turismo. And siyempre, ipakilala ng Alfonso na merong magagaling na pickleball players,” ani Mayor Randy.
Samantala, ipinakilala ni Boss Keng ang official player uniform ng Alfonso Pickleball Pro Team at kinumpirmang siya ang magsisilbing manager ng nasabing kuponan. Aniya, ang tournament ay isa sa mga unang hakbang sa paghahanda ng Alfonso Siklab para sa mga susunod na kompetisyon.
Kasunod nito, itinampok sa vlog ang mga laban sa women’s at men’s divisions, gayundin ang awarding ceremonies para sa mga nagwaging kalahok.
Matapos ang unang araw ng tournament, ibinahagi ni Boss Keng na matagumpay nilang natapos ang programa nang mas maaga sa itinakdang oras. Habang nasa Tagaytay kasama ang kanyang grupo, inanunsyo rin niya ang napiling opisyal na pangalan ng kuponan na “Alfonso Siklab,” na gagamitin sa kanilang nalalapit na kampanya sa MPPT.
Umani naman ng suporta mula sa mga netizen si Boss Keng at ang Team Alfonso habang naghahanda ang kuponan para sa kanilang pagsabak sa Maharlika Pilipinas Pickleball Tour (MPPT).
@wylazzi: “Welcome sa Alfonso, Boss Keng!”
@bretheartgregorio1886: “Power sa inyo, Team BK!”
@greyshauntv1201: “Kung ‘yan ang players ng Alfonso, mukhang champion na.”
Watch the full vlog below:
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…
This website uses cookies.