Cong TV’s Vietnam ‘Zero-Spending Challenge’ Ends with a ₱102K Donation for Mindanao Earthquake Victims

​

Sa kaniyang pinakabagong ‘VIERAOT’ YouTube vlog, muling pinatunayan ni Lincoln “Cong TV” Velasquez na kahit gaano pa katindi ang pagtitipid ng isang ama, nakahanda pa rin itong gumastos kapag pamilya na ang pinag-uusapan.

​Ipinakita sa vlog ang kanyang lihim na “Zero-Spending Challenge” habang nasa Vietnam kasama ang kanyang misis na si Viy Cortez-Velasquez at ang buong Team Payaman. 

Matapos ang sunod-sunod na malalaking gastusin sa bahay, tulad ng pagbili ng bagong TV nang mabasag ito ng kanyang anak na si Kidlat, pati na ang tuition fee ni Genggeng, napagdesisyunan ni Cong na ipahinga muna ng tuluyan ang kanyang wallet.

​The Rules of the Secret Challenge

Bago lumipad patungong Vietnam, dalawang patakaran ang itinakda ni Cong sa kanyang sarili. Una,​ bawal siyang maglabas ng kahit piso sa buong biyahe. ​Pangalawa, dapat ay walang sinuman sa kanyang mga kasama ang makakahalatang ayaw niyang gumastos.

​Ayon kay Cong, pagod na siyang maglabas ng pera kaya sinubukan niya kung hanggang saan siya makakarating nang walang ginagastos.

​

Pure Diskarte

​Sa kabuuan ng kanilang biyahe, nairaos ni Cong ang challenge sa pamamagitan ng kanyang likas na diskarte, pambobola, at pag-asa sa kanyang mga kasama.

Para lubos na makatipid, nakikikain at nakikikape na lang si Cong sa kanyang misis na si Viy. Nagpa-load din siya kay Burong sa halip na bumili ng sariling SIM card o data package.

​

Samantala, nang makahingi si Genggeng ng 1 million Vietnamese dong sa kanyang Ate Viviys, kaya magkasama itong tinipid ng dalawa habang namamasyal. 

Nang makaramdam ng uhaw ang dalawa, pumasok pa sila sa isang mamahaling watch boutique at nagpanggap na bibili ng luxury watch para lang makahingi ng libreng bottled water at chocolates. 

Kapag kainan naman ng buong tropa, matagumpay na naipapasa ni Cong ang bill sa ibang miyembro ng Team Payaman tulad nina Dudut at Burong, na nagpalibre na rin pati ng iba pang shopping items.

Challenge Suspended

​Bagama’t halos matagumpay niyang natapos ang challenge nang walang nailalabas na pera, biglang naputol ang kanyang plano nang makatanggap siya ng balita mula sa Pilipinas na masama ang pakiramdam ni Kidlat.

​

Walang pag-aalinlangan niyang inihinto ang challenge, nag-book agad ng pinakamaagang biyahe pabalik ng bansa, at kinailangang labagin ang kaniyang sariling rule para bumili ng Huggy Wuggy toys pampalakas-loob sa kaniyang anak.

​”Di baleng matalo tayo sa challenge, basta panalo sila,” ani Cong TV. Patunay na pamilya pa rin ang kaniyang pangunahing prayoridad.

​

The Big Plot Twist

​Sa huli, ibinunyag sa vlog na ang kabuuang halaga ng kaniyang natipid at “napalibre” ay umabot sa ₱102,907. Sa halip na itago ang pera, inanunsyo ni Cong na ang buong halaga ay ihahandog sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang lindol sa Mindanao.

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

9 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

9 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

9 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.