Dudut Lang and Kristel Toledo Share Their Love for Animals Through Stray Dog Feeding Activity

Isang makabuluhang feeding activity para sa mga stray dogs ang tampok sa pinakabagong episode ng “Dudut’s Kitchen,” kung saan nakasama ni Dudut Lang ang kapwa content creator na si Kristel Toledo.

Tunghayan ang naging karanasan ng dalawa habang pinagsasama ang pagluluto, kwentuhan, at isang simpleng inisyatibang naglalayong makatulong sa mga hayop.

Cooking for a Cause

Sa simula ng vlog, ibinahagi ni Dudut na espesyal ang araw na iyon dahil limang taong gulang na ang kanyang alagang asong si Bruno. Hindi nagtagal, dumating si Kristel kasama ang kanyang aso bilang panauhin sa episode.

Bago simulan ang feeding activity, naghanda sina Dudut at Kristel ng ‘Curry Katsu,’ na ayon kay Kristel ay isa sa kanyang mga paboritong comfort food. Kasabay nito, naghanda rin sila ng dog-friendly meal na binubuo ng giniling na karne at iba’t ibang gulay.

Habang abala sa paghahanda, nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang mga karanasan sa trabaho, buhay bilang content creator, at pagmamahal sa mga aso.

Sa kanilang pag-uusap, ibinahagi ni Dudut ang kwento ng kanyang alagang asong si Bruno, na minsang nakaligtas sa parvovirus matapos sumailalim sa gamutan.

Matapos ang cooking segment, nagtungo sina Dudut at Kristel sa ilang bahagi ng kanilang komunidad upang hanapin at pakainin ang mga asong gala. 

Bagama’t nahirapan silang makakita ng mga aso sa simula, kalaunan ay nakatagpo sila ng ilang grupo ng mga hayop na kanilang nabigyan ng pagkain.

Sa pagtatapos ng vlog, matagumpay na naisagawa ng dalawa ang kanilang layunin na makapagbahagi ng pagkain sa mga asong kanilang nakita sa paligid. 

Higit pa sa isang karaniwang cooking content, nagsilbi ang episode bilang pagpapakita ng kanilang malasakit sa kapakanan ng mga hayop at ng kahalagahan ng maliliit na hakbang upang makatulong sa mga ito.

Netizens’ Comments

Samantala, umani naman ng positibong reaksiyon mula sa mga manonood ang vlog, kung saan marami ang nagpahayag ng kasiyahan sa tambalan nina Dudut at Kristel at humiling pa ng mas marami nilang kolaborasyon sa hinaharap.

@euennebautista: “Please lang Dut, more content pa with Kristel! Masaya kaming lahat na masaya ka, boy!”

@KimVirola-g1o: “Parang the whole video nakangiti ako. Takte! Panindigan mo ‘yan, Dut.”

@shygutierrezz: “Awit. So happy for you, Dut! Hehehe deserve mo ang happiness! Ang light lang [ng aura] ni Kristel. Parang sobrang bait and kalog at the same time.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

15 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

15 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

15 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

15 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.