Viy Cortez-Velasquez’s ‘The Viyllage Show’ Kicks Off Season 2 With Celebrities and Content Creators

Sa pagbabalik ng “The Viyllage Show” ni Viy Cortez-Velasquez, tampok ang bagong hanay ng mga celebrities at content creators na sumabak sa iba’t ibang hamong sumubok sa kanilang memorya, kaalaman, diskarte, at pagtutulungan.

Sa bago nitong episode, apat na kuponan ang naglaban-laban para sa pagkakataong maiuwi ang grand prize na P250,000 at makapagbigay ng donasyon sa isang napiling organisasyon.

The Ultimate Showdown

Sa unang bahagi ng The Viyllage Show, ipinakilala ni Chino Liu ang Team Girl, Team Boy, Team Bakla, at Team Tomboy na magtatagisan para sa P250,000 grand prize, kasabay ng pagganap niya sa dual-host persona.

Kabilang sa mga kalahok sina Viy Cortez-Velasquez, Ella Cruz, Erica Pineda, Charuth Reyes, Ashley Rivera, Vandolph Quizon, Rob Daniel, Tommy Tiangco, Kokoy de Santos, James Caraan, Poca, Awra Briguela, Christian Antolin, Stella Salle, Vinas Deluxe, Cartz Udal, Chen Malaluan, Arean Pineda, Jin Fernandez, at Tombi Romulo.

Bago tuluyang nagsimula ang kompetisyon, ipinaliwanag ni Chino ang mechanics ng laro na may limang kategorya, kabilang ang elementary-level questions, music, general knowledge, viral topics, at showbiz trivia.

Sa unang round, agad na sinubukan ng Team Boy ang pinakamataas na halagang P20,000 sa kategorya na “Ang Dali Lang Eh!”, ngunit nabigo silang masagot nang tama ang tanong. Nabigo ring makuha ng Team Girl ang tamang sagot sa steal, bago tuluyang makuha ng Team Tomboy ang tamang sagot na nagbigay sa kanila ng unang malaking puntos sa laban.

Sa kabuuan ng laro, naging mahalaga ang kombinasyon ng tamang estratehiya at koordinasyon ng bawat grupo, lalo na sa pagharap sa mga ‘special task’ na maaaring magdagdag o magbawas ng kanilang kabuuang puntos.

Sa huli, idineklarang panalo ang Team Tomboy matapos manguna sa kabuuang puntos. Bukod sa kanilang cash prize na P45,000, nabigyan din sila ng pagkakataong magtalaga ng P100,000 na charity donation para sa Pride PH bilang suporta sa LGBTQ+ community.

Samantala, nagtapos ang Team Girl na may P35,000, Team Bakla na may P32,500, habang walang naiuwing premyo ang Team Boy.

Netizens’ Comments

Nagpahayag naman ng suporta ang mga manonood sa pagbabalik ng programa, kasabay ng papuri sa hosting ni Chino at pag-asang makakita pa ng iba pang celebrity guests sa mga susunod na episode.

@ladylou2930: “Acknowledge natin ‘yung hosting ni Krissy. Super effort, omg.”

@AhlyzeeMedel: “More of this, ate Viy! Next ng Viyllage Show puro mga actors and actresses naman. Hahahaha! Havey!”

@dianadionzon4171: “Ang hirap ng trabaho ni [Tita] Krissy Achino ngayon, grabe sa effort! Ang galing!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

14 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.