Aaron Macacua Finally Joins Team Payaman’s Vietnam Trip After Missing Hong Kong

Matapos hindi makasama sa nakaraang biyahe ng Team Payaman sa Hong Kong, nakabawi si Burong sa kanyang bagong vlog nang makasama na rin siya sa biyahe ng grupo sa Vietnam.

Sa naturang vlog, makikita ang kanilang pamamasyal sa Ho Chi Minh City, kabilang ang mga personal na sandali ng grupo at ang ilang hindi inaasahang pangyayaring naganap sa kanilang biyahe.

‘NAKASAMA!’

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman member na si Aaron Macacua, a.k.a. Burong, ang kanyang kasiyahan nang makasama na sa international trip ng grupo. 

“Hindi na tayo naiwan this time, ha. Kasama na tayo sa ibang bansa,” ani Burong.

Kasama ang kaibigang si Dudut, ipinakita ni Burong ang ilan sa kanilang mga naging karanasan pagdating sa Ho Chi Minh City, kabilang ang paghahanap sa kanilang mga kasama at pag-check in sa kanilang Airbnb.

Nagbigay rin siya ng sulyap sa kanilang matutuluyan at sa tanawin mula rito. Ayon kay Burong, malapit lamang ang kanilang unit sa kinaroroonan ng iba pang miyembro ng Team Payaman, kabilang sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez.

Kasunod nito, nagkita-kita ang grupo para sa isang gabi ng kainan at paglilibot sa lungsod. Isa sa kanilang pinuntahan ang Bui Vien Street sa District 1, isang lugar na kilala sa masiglang nightlife, mga street performance, at malaking bilang ng mga lokal at turista.

Gayunpaman, aminado si Burong na hindi niya gaanong kinaya ang matinding ingay at dami ng tao sa lugar. Sa ilang pagkakataon, pabiro niyang ikinuwento na nakaramdam siya ng pagod at overstimulation sa naging karanasan.

Matapos ang kanilang night out, nagkaroon din ng personal na sandali sa vlog nang ibigay ni Burong ang isang relo sa kanyang partner na si Aki. Bagama’t siya ang nagdiriwang ng kanyang kaarawan, pinili niyang sorpresahin si Aki ng regalo para sa kanilang anibersaryo.

Samantala, isa namang hindi inaasahang aberya ang nangyari bago ang kanilang pag-uwi sa Pilipinas nang mapansin ni Burong na naiwan niya ang kanyang bag sa isang convenience store. Agad niya itong binalikan gamit ang motorsiklo at nakahinga nang maluwag nang matagpuan pa niya ito sa parehong lugar.

Netizens’ Comments

Umani naman ng papuri mula sa mga manonood ang humor ni Burong, habang hiniling naman ng ilan na pahabain pa ang kanyang mga vlog.

@kcmtv4445: “Kapag sa pinas ‘yun, Boss Burs, baka wala pang 3 minutes, wala na. Ingat ka palagi, Boss Idol!”

@trishandcf: “Havey si Burs sa akin kasi para siyang si Bayani. Basta ‘yung humor.”

@kentinsuson3756: “Sold! Next vlog 30 minutes duration naman. Hahahaha!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

12 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

16 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

16 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

16 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.