Kasunod ng muling paglabas ni Kuya Inday sa Team Payaman, tampok siya sa pinakabagong vlog ni Pinuno kung saan ibinahagi ang posibilidad ng kanilang pagbuo ng isang acoustic duo.
Sa nasabing vlog, ipinakita ang kanilang music session kasama ang ilang miyembro ng bandang COLN, pati na rin ang pagsubok nilang maghanap ng venue para sa posibleng live performances.
Sa unang bahagi ng vlog, bumisita si Elijah Borreros, a.k.a. Pinuno, sa studio kung saan nagsasagawa ng session ang mga miyembro ng COLN. Nang dumating si Kuya Inday, agad niya itong niyaya na magbahagi ng ilang awitin.
Nagkaroon ng impromptu jam session kung saan ipinakita ni Kuya Inday ang kanyang husay sa pagkanta habang sinasabayan ng gitara ni Pinuno. Sa gitna ng kanilang biruan, napunta ang usapan sa posibilidad ng pagbuo ng isang ‘acoustic duo.’
Sa pagpapatuloy ng vlog, sinubukan ni Pinuno na maghanap ng mga lugar kung saan maaaring makapag-perform ang kanilang binubuong tambalan.
Sa unang coffee shop na kanyang pinuntahan, ipinakita ni Pinuno sa may-ari ang sample performance ni Kuya Inday. Bagama’t bukas ang coffee shop sa live acoustic performances, ipinaliwanag ng owner na hindi pa akma sa kasalukuyang setup ng lugar ang kanilang estilo.
Sa isa pang rehearsal studio, nagtanong muli si Pinuno tungkol sa posibilidad na makapag-perform ang kanilang duo, ngunit ipinaliwanag ng namamahala na mas nakatuon ang venue sa mga full band performance.
Sa kabila ng hindi matagumpay na paghahanap ng venue, nanatiling positibo si Pinuno at nagpahayag ng hangaring maghanap pa ng ibang pagkakataon para sa kanilang tandem.
Sa pagtatapos ng vlog, sinabi niyang mayroon na siyang naiisip na panibagong lugar na maaari nilang subukan, na nagsilbing pahiwatig sa susunod na yugto ng kanilang plano bilang musical duo.
Samantala, maraming manonood ang humanga sa boses ni Kuya Inday at natuwa sa tambalan nila ni Pinuno sa vlog.
@StickYoPrints: “Maganda boses ni Kuya Inday! Legit!”
@lorrencebonngajultos563: “Inunahan mo na si Cong pagkakitaan si Inday, Pinuno. Hahaha!”
@R3NALINE: “Legit, masarap sa tenga ‘yung boses ni Kuya Inday. Pang sunday songs na relax ka lang.”
Watch the full vlog below:
Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…
Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…
Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
This website uses cookies.