Vien Iligan-Velasquez Shares Junnie Boy’s Recent Health Update and Quick Vietnam Trip

Nilinaw ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang kalagayan ng kalusugan ng asawang si Junnie Boy bago ang kanilang Vietnam trip.

Alamin ang latest health update ni Junnie Boy at kung anu-ano ang mga tagpo sa kanilang nagdaang Vietnam trip.

Junnie’s Health Update

Sa kanyang latest vlog, ibinalita ni Vien Iligan-Velasquez ang kalagayan ng balikat ng asawa niyang si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy.

Taong 2022 nang unang ma-injure ang balikat ni Junnie matapos ang kasiyahan sa Payamansion 2—bagay na ikinagulat ng marami.

Matapos ang apat na taon, muling na-injure ang balikat ni Junnie matapos ang paglalaro ng pickleball, dahilan kung bakit kinailangan siyang isugod sa Emergency Room.

“Nadislocate kasi ulit ‘yung balikat ko guys,” kwento ni Junnie sa mga manonood.

Hands-on naman ang asawa niyang si Vien sa pag-aalaga at pag-aaruga sa kanya habang siya ay nasa emergency room.

Pagkatapos ng kanilang Vietnam trip ay tsaka naman paplanuhin ang kanyang surgery para sa kanyang balikat.

Vietnam AdVIENture

Sa kaparehong vlog, ibinahagi rin ni Vien ang mga tagpo matapos ang kanilang quick Vietnam trip kasama ang ilang Team Payaman members.

Ikwinento ni Vien na isa sa dahilan ng kanilang paglipad sa Vietnam ay upang makapaglaro ng Pickleball kaya’t una silang namili ng ilang equipments bago sumalang sa paglalaro.

Hindi rin pinalampas ng kanilang grupo na bisitahin ang ilang mga sikat na pook-pasyalan gaya ng The Cafe Apartment sa Ho Chi Minh City.

Kaliwa’t kanan din na food trip at pagsa-shopping ang ginawa nina Vien at ilang TP members sa kanilang pamamalagi sa nasabing lugar.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

32 minutes ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Lead Purple Hearts by Kryzl’s Spooktacular Product Launch

Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…

6 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

10 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

7 days ago

This website uses cookies.