Netizens Burst Out Laughing at Cong TV’s Epic TV Prank on Wife Viy Cortez-Velasquez

Isang ‘TV’ prank ang hatid ni Cong TV sa asawa niyang si Viy Cortez-Velasquez na talagang nagpahalakhak sa mga manonood.

Tunghayan ang pagpaplano at pagsasagawa ng nasabing prank at kung ano ang reaksyon ng mga manonood dito.

TEEVIY

Sa kanyang bagong vlog, unang ipinasilip ni Cong TV ang aksidenteng sinapit ng kanilang TV matapos itong mabato ng panganay niyang si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, ng ping pong racket.

Kanya itong tinuruan ng leksyon sa pamamagitan ng pagharap sa pader upang mapagisipan ang kasalanang nagawa.

Agad namang humingi ng tawad si Kidlat sa kanyang Daddy Cong.

“Sorry Dada. Hindi ko na uulitin,” ani Kidlat.

Nang makabili na sila ng ipapalit na TV sa kanilang sala, naisipan nina Cong TV at Genggeng na i-prank ang kanilang mga housemates.

Dakong alas-tres ng umaga ay kinumpuni nina Genggeng at Cong ang bago nilang TV. Kanilang inilagak ang lumang TV sa box na pinanggalingan ng kanilang nabili at naisip na paniwalain ang mga housemates sa kanilang naisip na plano.

Pinaniwala nila ang mga kasama na ang nahulog na TV mula sa box ay ang bagong biling telebisyon ni Cong TV.

“Parang sira naman ‘to eh. Parang di mo ano eh, kitang kita kita na hindi mo iningatan! Patawa tawa ka pa diyan nakakapikon ka!” pagalit na reaksyon ni Viviys.

Nang mapagalitan na ni Viviys si Geng, hindi nito napigilang maging emosyonal sa reaksyon ng kanyang Ate Viy.

Dito na ibinunyag na na-reverse prank ni Cong si Genggeng dahil kasabwat niya ang asawang si Viy sa kanyang mga naging reaksyon.

“Umiyak ka lang kasi ikaw ‘yung pinaprank namin!” buong halakhak na saad ni Cong.

Netizens’ Reactions

Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang nakakatuwang reaksyon matapos mapanood ng latest prank ni Cong TV.

@kuro_yurei6558: “Yun lang, napagalitan yung mag-ama, parehas dahil sa tv AHHAHAHAHAHHAHA”

@itsdrealace: “Discipline. Tama yan Cong. Tatay din ako kaya alam ko feeling na ayaw mong pagalitan ang anak mo pero wala kang choice kase kelangan nya matuto at malaman ang mali nya.”

@maryennnn: “Pusang gala nanonood lang ako pero parang ako yung na tatakot kay Viy hahahahahaha”

@incha2121: “Dalawang anak yung napagalitan sa isang video BWHAHAHAHHAHAHAHAHHAHA”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Lead Purple Hearts by Kryzl’s Spooktacular Product Launch

Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…

4 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

8 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 week ago

This website uses cookies.