Yiv Cortez Shares Journey In Securing BTS ‘Arirang’ Concert Ticket

Matapos makatanggap ng mga komento at pagdududa mula sa netizens, nagbigay ng paglilinaw si Yiv Cortez kaugnay ng pagkuha niya ng ticket para sa nalalapit na concert ng K-Pop group na BTS.

Sa isang vlog, sinagot ng content creator ang mga kumakalat na alegasyon online at ipinaliwanag ang kanyang naging karanasan sa ticketing process matapos kuwestiyunin ng ilang fans ang paraan ng kanyang pagkuha ng ticket.

Ticketing Clarification

Kamakailan, tinalakay ng Team Payaman next-gen vlogger na si Yiv Cortez ang mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay ng kanyang ticket purchase para sa nalalapit na BTS concert sa Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan.

Kabilang dito ang mga pagdududa tungkol sa kanyang queue number, membership status, at mga screenshot na ibinahagi niya sa social media.

Una niyang tinugunan ang mga komento na humihingi ng patunay na umabot siya sa queue number na 9,000. Ayon kay Yiv, nakaranas siya ng iba’t ibang sitwasyon sa ticket selling, kabilang ang pagkakataong nasa queue number 20,000 siya ngunit nakapili pa rin ng section bago magkaroon ng aberya sa proseso ng pagbili ng ticket.

“So, may nag comment dito. Patingin daw ng proof. Patingin daw ng proof na nag-9K ako [sa queue]. ‘Yung 4K [na queue number] ko, lahat ng i-click [sa seat map], sold out. Kahapon din naman, 20K ako sa pila. Pero, nakapili na ako ng section. And then, na-stock na ako sa sit tight,” ani Yiv.

Bukod dito, ipinaliwanag din ni Yiv kung bakit hindi nakikita ang order number sa screenshot ng kanyang ticket. Aniya, sinadya niyang takpan ang naturang detalye upang maiwasan ang posibleng paggamit ng iba sa kanyang ticket information.

Samantala, nilinaw rin ng content creator ang mga tanong tungkol sa kanyang ARMY membership matapos kuwestiyunin ng ilang netizens kung paano siya nakasali sa ARMY membership presale.

Bilang tugon, ipinakita niya ang screenshot ng kanyang ARMY membership code at sinabing maaaring nagkaroon lamang ng maling interpretasyon sa ilan sa kanyang mga naunang pahayag.

Kaugnay nito, inamin din ni Yiv na naghanap siya ng iba pang option nang makaranas ng problema sa ticketing process. Gayunpaman, iginiit niyang ginawa lamang niya ito bilang paghahanda sakaling hindi siya makakuha ng ticket sa opisyal na bentahan.

Netizens’ Comments

Sa gitna ng usapin, may mga netizens ding nagpahayag ng suporta kay Yiv, na nagsabing nararapat lamang na ma-enjoy niya ang pagkakataong makadalo sa concert at hindi magpaapekto sa mga kritisismong ibinabato sa kanya online.

Coleen Del Mundo: “You don’t owe anyone an explanation, Yiv. You deserve that BTS Arirang ticket, no matter what.”

Joyce Zamora Beltran: “I don’t understand bakit ka nila binabash. If they’re truly ARMYs, they should be happy that you were able to secure a ticket instead of bringing you down. A true ARMY celebrates another fan’s happiness, so enjoy the moment and don’t let the negativity ruin your excitement.”

Jeychelle Laraño Gomez: “We deserve all the happiness in life. The ticket war is really hard. No need to explain to everyone.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

9 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

13 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.