Team Payaman Kids Mark New Milestones at Kids Learning Ville’s Grand Moving Up Ceremony

Isang makabuluhang selebrasyon ng pagkatuto at pag-unlad ang naging sentro ng Grand Moving Up Ceremony ng Kids Learning Ville, kung saan kabilang sa mga pinarangalan ang mga anak ng ilang kilalang personalidad mula sa Team Payaman.

Idinaos ang programa sa The Mind Museum sa Bonifacio Global City, na dinaluhan ng mga mag-aaral, magulang, guro, at iba pang panauhin.

TP Kids’ Moving Up

Sa kauna-unahang Grand Moving Up Ceremony ng Kids Learning Ville, kinilala ang mga mag-aaral hindi lamang para sa kanilang mga natamong tagumpay sa akademiko kundi maging sa kanilang personal na pag-unlad sa loob ng taon. 

Isa sa mga tampok na bahagi ng seremonya ang Sablay Shifting Ceremony, kung saan inilipat ng mga mag-aaral ang kanilang sablay mula sa kanang balikat patungo sa kaliwa kasama ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga.

Ang simbolikong gawaing ito ay kumakatawan sa kanilang mga natamong tagumpay at kahandaan para sa susunod na antas ng pag-aaral.

Proud Parents

Kabilang sa mga dumalo sina Viy Cortez-Velasquez, Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, Pat Velasquez-Gaspar, at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, na buong pagmamalaking ipinagdiwang ang moving up ng kani-kanilang mga anak na sina Kidlat, Isla, Ulap, at Tokyo.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Viy ang kanyang kagalakan sa pagkilala sa kanyang panganay na anak na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a. Kidlat, bilang isang Milestones Excellence Awardee at sa pagtanggap nito ng unang medalya.

Ayon sa kanya, isa itong mahalagang tagumpay para sa kanilang pamilya at patunay ng patuloy na pag-unlad ng kanilang anak.

“Seeing Kuya [Kidlat] receive his very first medal and be recognized as a Milestones Excellence Awardee fills our hearts with so much joy and pride,” ani Viy.

Samantala, ipinahayag din ni Viy ang kanyang pagmamalaki sa bunsong anak na si Tokyo Athena, a.k.a. Tokyo, dahil sa mga nakamit nito sa paaralan. Ibinahagi rin ng mag-asawa ang kanilang patuloy na suporta sa pag-aaral at paghubog sa mga pangarap ng kanilang mga anak.

Congratulatory Messages

Umani naman ng pagbati mula sa mga online Titos at Titas ang Team Payaman Kids matapos ibahagi ng kanilang mga magulang ang mga larawan mula sa moving up ceremony.

@ambalendez: “Congrats, kuya Kidlat and Tokyo!”

@heyyangelllll: “Congratulations! Way to go, Velasquez kids!”

@rl.dnglsan: “Proud online Tita here!”

Angelica Sarte

Recent Posts

Cong TV Seeks Help from Movie Star Malupiton for Geng’s Road to Stardom

Paano nga ba makakapasok si Genggeng sa PBB House?  Alamin sa latest ‘AROAYKO’ vlog ni…

14 hours ago

Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Proudly Announce Kids’ Official Name Change

Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…

17 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

1 day ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

1 day ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

3 days ago

This website uses cookies.