Viy Cortez-Velasquez Launches Newest Street Game Show Called “Save or Swap” Challenge

Bagong game show na naman ang ipinakilala ni Viviys sa kanyang YouTube channel kung saan hinamon niya ang mga tao sa kalsada ng Laguna sa masayang “Save or Swap” Challenge.

Alamin kung ano nga ba ang mekaniks ng palarong ito, pati na rin ang mga naging reaksyon ng mga tao sa kaniyang pinakaunang episode.

Save or Swap Challenge

“Queen of Episode 1” ang naging bansag ng netizens sa Team Payaman member na si Viy Cortez Velasquez matapos sunod-sunod na maglabas ng samu’t saring content na may iba’t ibang pakulo. 

Bida sa kaniyang latest YouTube upload ang bagong game show na tinawag niyang ‘Save or Swap’ kung saan bibigyan niya ang mga piling tao sa daan ng isang libong piso, basta pasok sa tanging criteria na sila ay nakafollow sa kanyang social media accounts.

Kung pasok sa criteria ay papipiliin lamang ang mga ito kung mas gusto nila ‘Save’ ang 1k o ‘Swap’ sa hindi alam na laman ng isang mystery box.

Mas pinasaya pa ang palaro dahil sa presensya ng ilang backup dancers at banda ng tambulero. 

Matapos ang pag-iikot sa kalsada ng Laguna ay marami-rami rin ang napasali ni Viviys sa kanyang palaro at karamihan din ang pumili ng ‘Swap’ na nakatanggap naman ng mga bagong gadget o appliances gaya ng cellphone, tv, powerbank, at iba pa.

Laking tuwa ni Viviys nang malaman na sumasakit ang mga napapamigay niyang kagamitan para sa mga taong pumipili ng ‘Swap’.

“Yung dalawang napagbigyan ko rito, saktong kailangan nila ‘yung mga items. Wala lang natutuwa lang ako kasi isang patunay na ‘yan na kapag may hinihingi ka sa Panginoon, talagang siya ang magbibigay ng paraan para makuha mo ‘yon,” ani Viviys.

Kwento pa ni game master, lahat ng items na kaniyang ipinamimigay ay nabili niya lamang sa pinakabagong collaboration ng Shopee at YouTube Shopping. Dagdag niya ay may hatid siyang exclusive voucher na up to 30% off para sa mga nanonood na followers at gustong maki check out.

Matapos mag-ikot sa kalsada ng Laguna, hindi rin naman pinalagpas ni Viviys na ipasubok ang bagong palaro sa mga kasama niya sa bahay na sina Kevin Cancamo, a.k.a Genggeng, pati na rin sa asawang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV na bakas din naman ang tuwa sa kanilang mga napanalunan. 

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Ate Ivy Cortez-Ragos Takes Pinoy History to the Streets with Her New Mini Vlog

Mahilig ka ba sa mga lumang dokumentaryo o kwento tungkol sa ating bansa? Ganyan na…

1 day ago

Netizens React to Vien Iligan-Velasquez’s Heartfelt Message Addressing Critics

Punong-puno ng inspirasyon ang mensahe ni Vien Iligan-Velasquez para sa kanyang mga bashers matapos niyang…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares New OOTD Picks from SHEIN Philippines

Known for her classic and aesthetic OOTD picks, Viy Cortez-Velasquez is back with a fresh…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Comes Back with a Family Life Update Vlog

Muling nagbabalik ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagva-vlog hatid ang latest…

4 days ago

Kidlat Shines in Christmas-Ready Fits from Moose Gear Kids

With the Christmas season approaching, Team Payaman’s youngest member, Kidlat, shines in his recent fit…

4 days ago

Kha Kha Villes Expresses Gratitude to Team Payaman Amid Personal Loss

Sa gitna ng pagdadalamhati matapos ang pagkawala ng kanilang inaasahang anak, nagpahayag ng pasasalamat ang…

4 days ago

This website uses cookies.