Team Payaman’s Carlos Magnata Shares Guitar Tutorial and Outdoor Escapade in New Vlog

Isang masayang kombinasyon ng musika, katatawanan, at outdoor adventure ang hatid ng Team Payaman member na si Carlos Magnata, a.k.a. “Bok,” sa kanyang pinakabagong vlog.

Sa naturang episode, tampok ang kanyang pagtatangkang turuan si Junnie Boy ng ilang basic guitar techniques bago sumabak ang grupo sa iba’t ibang outdoor activities sa Tanay, Rizal.

‘BOKALIZATION’

Sa unang bahagi ng vlog, ipinakilala ni Bok ang kanyang sarili bilang “master of puppets” at nagbiro pa tungkol sa umano’y koneksyon niya sa paboritong banda ni Cong TV na Metallica.

Mula rito ay nauwi ang usapan sa gitara, kung saan ipinakita ni Junnie Boy ang kanyang limitadong kaalaman sa instrumento sa pamamagitan ng pagtugtog ng ilang pamilyar na himig at pag-awit ng mga bahaging kabisado niya mula sa ilang kanta.

Sa tulong ni Bok, natutunan ni Junnie ang isang simpleng chord progression para sa kantang “Pag-ibig ay Kanibalismo II,” na agad naman niyang nakuha.

Bukod sa musika, naglaan din ng oras si Junnie upang magbahagi ng mensahe tungkol sa pananampalataya at pagharap sa mga hamon ng araw-araw na buhay. 

Sa gitna ng mga usapin tungkol sa pagtaas ng gastusin at iba pang pagsubok, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pananalig at pag-asa.

“Sa mundo natin ngayon, sobrang hirap. Taas ng gasolina. Taas ng bilihin. Lahat nagmamahal. Pero yung kinikita natin, ang baba pa rin. Sa kabila noon, ang pagmamahal ng Panginoon, hindi ‘yan bababa, hindi ‘yan tataas. Nandiyan pa rin ‘yun,” ani Junnie.

Sa pagtatapos ng vlog, ibinahagi rin ni Bok ang kanilang pagpunta ng Team Payaman sa Hills and Stars Camp Reserve sa Tanay, Rizal, kung saan naranasan nila ang iba’t ibang outdoor activities kabilang ang ATV ride at paglangoy sa falls.

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

3 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 week ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 week ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 week ago

This website uses cookies.