Hatid ngayon ng Team Payaman cook na si Dudut Lang ang pasilip sa paggawa ng homemade steak para sa kanyang mga kaibigan.
Alamin kung paano nga ba gawin ang naturang perfect-for-all recipe na ito na handog ng Dudut’s Kitchen.
Sa pinakabagong episode ng Dudut’s Kitchen, hatid ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut, ang step-by-step procedure sa pagluluto ng steak.
Aniya, humiling ang kanyang mga kaibigan ng steak kung kaya’t kanyang inaya ang mga ito sa kanilang bahay upang kanyang paglutuan.
Una ng inihanda ni Dudut ang mga rekado para sa mashed potato, mushroom sauce, at steak fried rice.
Payo ni Dudut, mas madali at mas maayos magluto ng steak sa loob ng bahay dahil magkakaroon ka ng pagkakataong makapamili ng karneng nais mong gamitin.
Una na niyang binudburan ang asin ng karne at kanya rin itong inilagay muna sa ref upang palamigin.
Para naman sa steak fried rice, naghiwa si Dudut ng ilang laman at taba mula sa kanyang karne at kanya rin itong binudburan ng asin upang lumasa pagkatapos ay ginisa ito kasama ang kanin.
Sunod niyang isinalang ang mushroom na kanyang nilagyan ng pork stock, gravy mix, at paminta upang mas lumasa.
Kanya namang inihanda ang patatas para sa kanyang mashed potato recipe. Hinaluan ito ni Dudut ng asin, cream, butter, at dinurog na garlic coffee.
Sa huli, kanya nang prinito ang karne para sa kanyang steak recipe.
Pagkaluto, agad niyang ipinatikim sa mga kaibigan ang inihandang mashed potato, steak fried rice, at steak.
Matapos mapanood ang cooking vlog, marami sa mga manonood ang natuwa at natakam sa steak recipe ni Dudut.
@KristelToledo: “SARAPPPPPPPKARUUU!”
@mireahtv8419: “Tunay na ngiti ni Papa Dudut!”
@PrederickDelaCruz: “Ang saya na ni Dudut. Parang sumarap ulit siya magluto. #KrisDut!”
@paulolopez7521: “Let’s go Dudut!”
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.