Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Jet Off on a Romantic Vietnam Getaway

Isang pasilip sa romantic Vietnam getaway nina Viy Cortez-Velasquez at Cong TV ang hatid nila sa kanilang latest vlog upload.

Tunghayan ang ilan sa mga shopping stores na dapat silipin sa Vietnam at ilang food trip spots na hindi dapat palampasin. 

CongTViy Goes To Vietnam

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang pasilip sa kanilang Vietnam trip.

Kwento niya, ito ay nagsilbing ‘peace offering’ ng kanyang asawang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, matapos ng kanilang pagtatalo.

Pagkalapag sa Vietnam ay namahinga lang sandali ang dalawa pagkatapos ay agad na naglibot upang maghanap ng makakain.

Ilan sa kanilang mga nasubukan ay ang ipinagmamalaking Pho o Vietnamese Noodles, kape, pati na rin ang ilang street food finds.

Bilang parte ng ‘peace offering’ ni Cong sa kanyang misis, ilang beses rin niya itong binilhan ng mga damit mula sa iba’t-ibang mga stores.

“So guys, andami niya sa aking binili. Dahil diyan, iu-unblock ko na siya!” biro ni Viviys.

Nakasama rin ni Viviys ang asawa sa pamimili ng kanilang mga pasabuy items na kanilang iniuwi upang itinda.

Kanila ring binilhan ang mga anak na sina Tokyo at Kidlat ng ilang mga laruan at damit bilang pasalubong.

Bago tuluyang umuwi, laking pasasalamat ni Viviys kay Cong para sa isang masayang Vietnam trip.

“Thank you so much my love!” mensahe ni Viy.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang natuwa nang mapanood sina Cong and Viy sa kanilang couple’s trip to Vietnam.

@tibssstibsss8112: “Mas maganda paminsan minsan Viy ganito yung vlogs niyo. nakakamiss din kasi  yung ganito mga vlogs niyo ni Cong.”

@BlancheChico: “Same sa feels ng annivlogsary nila sa tagatay but this time pov ni Viy!”

@krissiebellenavarro9390: “THANK YOU, MAMA VIY. MAY PAPANOORIN AKO HABANG NAKAIN!”

@andreahalvez: “Huhu hope I may reach this kind of life soon!!! Even a regular day of Viy is my dream and I’ll work hard on it to achieve a life like Viy’s. Huhu galing mo talaga Ate Viy you are one of my inspirations in life, you and Cong TV. You guys made it so far from just watching Cong TV going to your workplace and always visiting you. I hope someday I will live like this in God’s perfect timing! Amen.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

15 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.