Pinuno Reacts to Cong TV’s Upload With a Funny Conspiracy Theory

Naghatid ng katatawanan si Pinuno sa kaniyang pinakabagong vlog matapos niyang ibahagi ang isang nakakaaliw na kwento tungkol sa isang sorpresa mula sa isang camera company at ang kanyang nakakatawang “conspiracy theory” tungkol kay Cong TV.

From a DJI Gift to a New Vlogging Setup

Sa simula ng vlog, ipinakita niya ang kanyang pakikipagkita sa mga kinatawan ng DJI Philippines—isang kilalang brand pagdating sa cameras at drones. 

Habang nakikipag-usap sa mga ito, hindi napigilan ni Pinuno na magbiro tungkol sa mga produkto ng brand at kung paano niya ito magagamit sa kanyang pang-araw-araw na buhay.

Pagkatapos ng ilang araw ay labis din ang kanyang pasasalamat nang makatanggap siya ng DJI camera package na may kasamang iba’t ibang accessories. Isa-isa niyang ipinakita ang mga laman nito kabilang ang invisible stick, lens protector, carrying case, at mga extra na battery. Ayon kay Pinuno, malaking tulong ang mga ito lalo na sa paggawa ng kanyang mga content at vlogs.

Pinuno’s Funny Theory on Cong TV’s Upload

Bukod sa pag-unbox at pagtalakay sa mga features ng camera, nagbahagi rin siya ng ilang personal na kwento at mga karaniwang biruan na nakasanayan na ng kanyang mga tagasubaybay. 

Sa gitna ng masayang usapan, napunta na ulit ang kaniyang “conspiracy theory” niya kung bakit hindi ito nagu-upload.

Ayon kay Pinuno, nang tingnan niya ang mga nakaraang upload ni Cong TV, napansin niya ang isa sa mga may pinakamataas na views ay ang vlog na kasama siya. Sa katunayan, umabot umano ito sa mahigit 3.4 million views.

“Alam ko na kung bakit hindi makapag-upload-upload si Cong TV kasi wala ako eh,” pabirong sabi ni Pinuno.

Dagdag pa niya, baka raw kaya hindi agad nakakapaglabas ng bagong vlog si Cong TV ay dahil wala siyang bagong collaboration kasama si Pinuno.

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

15 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.