Isang nakakatakam na Vietnam food trip ang hatid ng Team Payaman cook na si Dudut Lang sa kanyang latest vlog.
Kung balak mo ring bumisita sa Vietnam, hatid na ni Dudut ang ilang top food picks para sa inyong next Vietnam trip.
Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang mga manonood sa kanyang latest Vietnam trip.
Isinagawa ni Dudut ang nasabing vlog para sa mga nagnanais bumisita ng Vietnam at maghanap ng mga sulit na kakainan.
Una munang naglibot si Dudut upang mamili ng ilang mga damit na kanyang isusuot at iuuwi sa bansa.
Sunod niyang sinimulan ang kanyang food trip nang subukan niya ang Bún thịt nướng na may noodles, karne, at gulay.
“Wow, very good!” reaksyon ni Dudut.
Sunod naman sa kanyang listahan ay ang Egg Coffee na kanyang binili sa Little Hanoi Egg Coffee na sikat din sa nasabing bansa.
Kanya ring ibinahagi kung bakit ito binabalik balikan ng mga turista sa tuwing sila ay bibisita sa Ho Chi Minh city.
“Grabe ang consistency nito oh. Pwede mo siyang haluin, pwede mo rin siyang kainin. Ang masarap dito, hindi ito lasang itlog. Okay rin siyang dessert slash coffee,” aniya.
Hindi rin pinalampas ni Dudut na masubukan ang kilalang ‘Pho’ mula sa Pho Vietnam na bukas kahit hating gabi.
Ilan pa sa kanyang mga nasubukan ay ang Banh Mi, Com Tam, ilan pang Egg Coffee, at marami pang iba.
Samantala, marami ang natuwa sa interaktibong content na hatid ni Dudut Lang sa kanyang latest travel vlog.
@RRDFootball95: “Mas bagay ngayon gantong content sayo Dut! more travel vlog!”
@DarnellM18: “Parang ito ang pinaka bagay na content sayo Dudut. More boom boom, Dut!”
@Beacon5217: “I love your good heart Dudut. Mwuah!!”
@reneilmempin: “Solid! More 24 hrs foodtrip sa ibang bansa”
Watch the full vlog below:
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…
This website uses cookies.