Yiv Cortez Shares Honest Food Reviews at Fusion Alley

Fusion Alley, ano tara?! Isang food adventure ang ibinahagi ng content creator na si Yiv Cortez habang sinusubukan niya ang iba’t ibang pagkain sa sikat na food destination sa Sampaloc, Manila.

Tunghayan ang naging food trip experience ni Yiv at ang kaniyang mga naging obserbasyon sa iba’t ibang pagkain at sa pangkalahatang kalagayan ng Fusion Alley.

Fusion Alley, Ano Tara?!

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman next-gen vlogger na si Yiv Cortez ang kaniyang pagbisita sa Fusion Alley sa Sampaloc, Manila, na kilala bilang isa sa mga patok na food destinations malapit sa mga unibersidad sa lungsod.

Sa simula ng kaniyang vlog, ipinakita muna ni Yiv ang kaniyang pagdaan sa National Museum bago magtungo sa Fusion Alley. Pagdating sa nasabing food spot, sunod-sunod niyang sinubukan ang iba’t ibang pagkain at inumin mula sa mga food stalls sa lugar.

Kabilang sa mga una niyang natikman ang Sugarcane drink na may calamansi flavor, na binigyan niya ng mataas na rating dahil sa lasa at sulit na presyo.

Kasunod nito, sinubukan din ni Yiv ang Dried Pusit, Ilocos Empanada, at ilan pang street food items, kung saan nagbigay siya ng kani-kaniyang obserbasyon tungkol sa lasa at kalidad ng bawat pagkain.

Bukod sa pagbabahagi ng kaniyang food reviews, napansin din ni Yiv ang kalat sa paligid ng Fusion Alley. Ayon sa kaniya, mahalagang maging responsable ang mga bumibisita upang mapanatiling maayos at malinis ang lugar para sa lahat.

“Overall, nagulat lang ako kasi maraming kalat sa kalsada. So, sana disiplinahin natin ang ating sarili,” ani Yiv.

Sa kabila nito, ipinakita ni Yiv ang patuloy na pagdagsa ng mga tao sa Fusion Alley, na nananatiling popular na puntahan para sa iba’t ibang uri ng street food at budget-friendly na pagkain.

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

13 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.