Pat Velasquez-Gaspar Pens A Sweet Message For Sons Isla and Ulap in Latest Vlog

Isang nakakaantig na mensahe ang hatid ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang mga anak na sina Isla at Ulap.

Alamin kung ano ito at kung ano-ano ang mga aktibidad na kanilang ginawa matapos bisitahin ang farmhouse ng kanilang Lolo’t Lola.

Farmhouse Activities

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar ang mga tagpo matapos nilang bisitahin sina Lolo Val at Lola Jovel sa kanilang farm.

Pagkarating pa lang ay agad na yumakap sina Isla at Ulap sa kanilang Lolo’t Lola at nagsimula nang maglibot sa loob ng farm.

Kinabukasan, sabay-sabay kumain ng agahan ang kanilang pamilya at agad ding sinimulan ang kanilang mga aktibidad gaya ng paglangoy sa pool kung saan game na nakipagkulitan si Mommy Pat sa kanyang mga anak at pamangkin.

Kanya ring sinamahan ang amang si Lolo Val sa pagbebenta ng bukong kanilang naipon sa loob ng kanilang farm. 

Sunod din naman niyang diniligan ang halaman ng kanyang Mama Jovel kasama ang little TP Kids.

“Nakaka-excite ‘yung bahay pag nakatira na kami dito. Naiimagine ko ‘yung klase ng araw na meron ‘yung mga bata kasi ang daming activities na pwedeng gawin dito,” ani Mommy Pat.

An Open Letter

Sa dulong bahagi ng vlog, isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni Mommy Pat sa kanyang mga anak na sina Isla at Ulap.

“Alam ko hindi niyo pa naiintidihan lahat ngayon. Pero sana kapag malaki na kayo, maalala niyo ang araw na ito na may araw kayong nagpakain ng manok, at natuto kayong mag-alaga, na may araw kayong nagdilig, at natuto kayong magpasensya. I love you Isla and Ulap!” mensahe ni Mommy Pat.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

15 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

15 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

15 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

15 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.