Road to 100K Followers: Ate Ivy Cortez-Ragos Spoils Fans With Giveaways and Vlog Experience

Ilang maswerteng taga-suporta ni Ate Ivy Cortez-Ragos ang nabigyan ng pagkakataong makabonding siya sa kanyang latest vlog content. 

Bilang pagdiriwang sa road to 100K Facebook follower milestones, minabuti ni Ate Ivy na magpa-abot ng pasasalamat sa pamamagitan ng pagpili ng sampung maswerteng followers na isasama niya sa vlog content at bibigyan ng special giveaways.

Road to 100K

Unti-unting nakikilala sa mundo ng social media ang nakatatandang kapatid ng Team Payaman member Viy Cortez-Velasquez na si Ate Ivy Cortez-Ragos sa kaniyang mga mini vlog patungkol sa samu’t saring food or gateway recommendations.

Dahil sa tagumpay nito ay umabot na ng 92K ang kaniyang Facebook followers kaya naman inanunsyo niya ang pagpapahatid ng pasasalamat sa pamamagitan ng pagpili ng sampung lucky followers. 

Ang sampung followers ay may tsansa makatanggap ng special giveaways gaya ng home appliances mula sa Home Along at libreng ticket para sa nalalapit na Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat.

Bukod dito, magkakaroon sila ng tsansa na makasama siya sa susunod na food trip avlog, pati na ang tatlo pang tao mula sa pamilya o barkada ng kanyang mapipili.

Sa isang Facebook post, ibinida ni Ate Ivy si Andrea, isa sa kanyang sinaunang followers, at isa sa sampung followers na maswerteng napili upang mapasama sa kaniyang food trip vlog. 

“1st follower kooo yeeey!!! Congrats Andrea at salamat din sa mga Friends mo kay Jenny, Maxine and Sarah,” caption ni Ate Ivy.

Dagdag pa ni Ate Ivy ay maghihintay lang siya ng iba pang komento kung taga-saan ang kanyang mga followers upang makapili siya ng siyam pang isasama sa susunod na mga vlog. 

“Maraming salamat po ulit sa pag follow at pag react sa mga post ko. Salamat po sa inyo malapit na po tayong mag 100K followers. God bless po sa ating lahat!,”  pasasalamat ni Ate Ivy. 

Yenny Certeza

Recent Posts

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

3 hours ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

6 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Lead Purple Hearts by Kryzl’s Spooktacular Product Launch

Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…

8 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

12 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

7 days ago

This website uses cookies.