Cong TV Takes the Lead in an Action-Packed PH Tour with His International Guest

Sa pinakabagong vlog ni Cong TV, tampok ang masayang pag-iikot niya sa iba’t ibang lugar kasama ang kaniyang international friend na si Yassine, kasama rin sila Burong, Aaron at Agabus na naging kanilang cameraman.  

‘WASAK EXPERIENCE’


Sa unang bahagi ng vlog, sinubukan nila ang isang rage room habang tumutugtog ang kantang “WASAK” ng COLN.

Habang nasa biyahe, hindi naiwasan ang mga biruan kabilang ang pagkakita nila sa isang Mickey Mouse na mascot. Pagdating sa La Union, sinulit muna nila ang iba’t ibang lokal na karanasan bago sumabak sa surfing.

‘LA UNION ADVENTURE’

Bago tuluyang mag-surf, binisita nila ang ilang kilalang lugar tulad ng perya, balon, at ang San Fernando Lighthouse kung saan nila nasilayan ang kasaysayan at ganda ng lugar. 

Pagdating sa surfing area, nauwi sa biruan ang kanilang session kung saan pabirong sinabi na marami raw naging “estudyante” si Cong sa kanyang “Anbilibols Surfing Program.”

Kinagabihan, nagsalo-salo ang kanilang grupo sa isang boodle fight na tampok ang iba’t ibang pagkaing Pilipino. 

Bilang suporta kay Yassine, sinubukan din nilang mag-fasting ng isang araw, ngunit bago ito ay nag-bonding muna sila sa Jollibee bilang paghahanda.

‘CULTURAL EXPERIENCE’

Sinubukan din nila ang pottery making, bumisita sa museum at iba’t ibang mga aktibidad na nagbigay kay Yassine ng mas malalim na pag-unawa sa kulturang Pilipino.

Isa sa mga hindi inaasahang pangyayari ay ang libreng buffet at room upgrade na kanilang natanggap, na lalong ikinamangha mismo ni Yassine.

Isa sa pinaka-iconic na sandali ay ang unang tikim ni Yassine ng balut. Sa huli, nagtapos ang kanilang vlog sa isang mountain hiking experience kung saan namangha sila sa likas na ganda ng Pilipinas. 

Ayon kay Yassine, mas tumatatak sa kaniya ang mga taong nakakasalamuha niya kaysa sa mismong lugar. 

“You could have taken me to a small village,when there’s nothing and I would have liked it. The more I like it the more places will look the same to me, but the people will be completely different, from place to place.”

Bilang pangwakas, kinonsulta ni Cong si Yassine tungkol sa output ng kanyang bagong editor na si Oliver, at agad itong pumasa sa kanyang pamantayan kaya nakumbinsi si Cong na kuhanin siya bilang kaniyang editor. 

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.