Mommy Vien and Junnie Boy Debut as Doubles Partners in Pickleball Tournament

Muling nabigyan ng pagkakataon ang Team Payaman members na sina Junnie Boy at Vien na ipamalas ang kanilang husay sa paglalaro ng pickleball sa pamamagitan ng pagsali sa pickleball tournament.

Tampok sa bagong vlog ni Mommy Vien ang masayang mga tagpo sa likod ng kanilang kauna-unahang pagsasama bilang doubles partners, kung saan naging hamon ang kanilang chemistry at teamwork sa loob ng court. 

Doubles Partners

Sa bagong vlog upload ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang karanasan nila ng asawang si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, bilang doubles partners sa pickleball sa kauna-unahang pagkakataon. 

Practice game pa lang ay pansin na ang pagiging competitive ng dalawa, hindi lang sa mga kalaban, kundi pati sa isa’t isa.

“Magaganap ang pickleball tournament and partner ko ang asawa ko. So, this is no annulment challenge,” biro pa ni Mommy Vien. 

“Huwag naman ganyan kahit no fighting lang,” sagot naman ni Junnie Boy. 

Dagdag na kwento pa ni Mommy Vien ay sa mga open play lang sila nagiging magkakampi mag-asawa at bilang pa sa kamay ang dalas nito kaya naman parehas silang tila naninibago. 

The Tournament

Noong Tournament Day ay nagtungo sila sa The Pickle Farm sa Malvar, Batangas. 

Matapos ang ilang practice game, tagumpay na naipanalo ng mag-asawa ang kanilang unang laro na may 11 points laban sa 4 points ng kalaban. 

Agad naman itong nasundan ng panalo sa kanilang second game kahit dikit ang naging laban.

Hindi man maiwasan ng dalawa na magkasitahan sa ilang errors ng isa’t isa; ngunit sa huli ay nanaig pa rin ang kanilang teamwork kung kaya’t umabot sila sa running for Third Place.

“Galing niyo! Ang ganda ng chemistry,” ani Pat Velasquez-Gaspar.

“Aba, dapat lang, mag-asawa na kami. Dapat pati sa laro, may chemistry din,” sagot naman ni Vien.

Subalit, matapos ang tatlong laro na magdidikta kung pasok nga ba sila sa ranking, hindi pinalad ang mag-asawa. 

Matapos ang laro ay pinagusapan nila ang mga naging pagkakamali kung saan hilo at paninibago sa paddle ang naging palusot ni Junnie Boy na siya namang kinaasar ni Vien.

“Ayan na po ang away, Junnie vs. Vien na po” biro pa ni Boss Keng.

“Pero at least nakarating kami sa Top Three, malayo na ‘yun. May spark naman tayo, kailangan lang talaga nating magpractice,” ani Vien. 

“Okay na tayo. Laro lang ‘to. At least nakapag sorry na tayo sa isa’t isa,” dagdag pa ni Junnie. 

Sa huli ay nanaig pa rin ang pagkaka-intindihan, kapatawaran, at pagkakasundo ng mag-asawa na parehas nag-enjoy sa kanilang unang pagtatambal sa paboritong sports. 

Watch the full vlog here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.