Cong TV Grants Pat Velasquez-Gaspar’s Birthday Wish for a Pickleball Match

Para sa kaarawan ni Pat Velasquez-Gaspar, isang simpleng hiling ang tinupad ng kanyang kuya na si Cong TV.

Silipin ang mga tagpo sa first Pickleball duo experience nina Pat at Cong bilang parte ng kanyang selebrasyon.

A Gift for Pat

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang plano para sa kanyang kaarawan.

Aniya, isa sa kanyang mga hiling ngayong taon ay ang makalaro ang kanyang panganay na kapatid na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.

“Pwede bang maglambing? Pwede ba kita maging pickleball partner?” tanong ni Pat sa kanyang kuya.

Sagot naman ng kanyang Kuya Cong, “Sige pa-birthday ko na sa’yo. Pwede ako [pero] hindi ako marunong ah! Oh happy birthday, kiss mo si Kuya.” 

Lingid sa kaalaman ni Cong na Pickleball Tournament pala ang kanyang sasalihan kasama si Pat.

Sa kabila nito, nanatali pa ring handa si Cong pagdating sa kanyang mga kagamitan kagaya ng paddle.

“Okay pala ayain ‘to oh. May sarili siyang paddle!” biro ni Pat.

Nang magtungo na sila sa court, agad na nag-ensayo sina Pat at Cong at agad na sumalang sa paglalaro.

Sa huli, laking tuwa ng dalawa nang maipanalo nila ang kanilang huling laro.

“Thank you, Kuya!” pasasalamat ni Pat sa kapatid.

Touching Comments

Samantala, marami ang naantig at kinilig matapos tuparin ni Cong ang hiling ng kanyang bunsong kapatid.

@Jccontem: “Oh kiss mo si kuya” hayyy!! Namiss ko ang kuya ko, kakawala niya lang nung December 21, tapos bunso pa ko pareho tayo ate Pat. Grabe nakakataba ng puso”

@berlsgatuski: “Naiyak ako sa bandang huli. Iba talaga kapag maganda ang samahan ng magkakapatid kahit na may mga asawa’t anak na. CongTV lang ang sakalam!!!”

@clangalarcon7445: “Sarap sa feeling kapag kabonding ang kuya. Congrats po sa inyo!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

11 hours ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

22 hours ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

2 days ago

11.11 CRAZE: Get Your Team Payaman Fair Access on TikTok Shop

In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…

2 days ago

A Little Magic, A Lot of Heart: How Purple Hearts by Love Kryzl Brings Its Brand to Life Through Halloween

Halloween is often associated with costumes, colorful decorations, and a little bit of spooky fun.…

2 days ago

This website uses cookies.