Mommy Pat Velasquez-Gaspar Flexes Son Isla Patriel’s Communication Skills

Nagpakitang gilas ang panganay na anak ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng matapos ang kanilang ‘small talks.’

Kilalanin pa si Kuya Isla at tunghayan ang heartwarming conversation nila ng inang si Mommy Pat.

Isla’s Favorites

Umani ng papuri ang panganay nina Mommy Pat Velasquez-Gaspar at Daddy Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, nang matunghayan ang priceless dining moment ni Kuya Isla.

Excited na kumain ng kanyang ‘fish and squash’ meal si Isla kasama ang kanyang Mommy Pat. Nang makakuha ng pagkakataon, kinilala pa ni Mommy Pat ang anak sa pamamagitan ng kanyang mga tanong.

Nang tanungin kung nagdasal ba ito bago matulog, taas noong sinagot ni Isla na bago rin kumain ay hindi niya nakalimutang mag-dasal.

“Anong pinag-pray mo?” tanong ni Mommy Pat.

“Food,” sagot naman ni Isla.

Tinanong din ni Mommy Pat ang ilan sa mga paborito ng kanyang panganay mula sa kanyang paboritong laruan hanggang sa mga paboritong Tito at Tita.

Para kay Isla, si Tita Venice ang kanyang paboritong Tita habang si Tito Adam naman ang kanyang paboritong tito.

Naantig si Mommy Pat sa naging sagot ni Isla nang tanungin niya kung sa kanila ni Boss Keng ang kanyang paborito.

“Mommy and Daddy,” ani Isla.

Sagot naman ni Mommy Pat, “Very good!”

Inisa-isa rin ni Isla ang pangalan ng kanyang Lolo Val, Lola Jo, at mga pinsan na sina Kuya Mavi, Kuya Kidlat, at Ate Viela, maging ang kanyang kapatid na si Ulap.

A Round of Applause

Matapos mapanood ang nasabing video, marami sa mga manonood ang natuwa sa usapan nina Mommy Pat at Kuya Isla. 

@username19942901: “More moments like this, nakakarelax lang!”

@yeng: “Laging favorite si Tita Venice!”

@n: “Great mom ka po talaga [Mommy Pat].”

@mochii.em: “Ang cutie ni Isla boy sumagot!” 

Yenny Certeza

Recent Posts

Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Proudly Announce Kids’ Official Name Change

Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…

37 minutes ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

15 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

18 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

2 days ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

3 days ago

This website uses cookies.