Team Payaman’s Genggeng Proudly Flexes Newest Self-Bought Motorcycle

Isang kahanga-hangang tagumpay muli ang ibinahagi ng Team Payaman member na si Genggeng matapos i-flex ang bagong bili na motorsiklo bunga ng sariling pagsisikap.

Self-Bought Motorcycle

Kahit aminadong nagdadalawang-isip siyang ibahagi ito sa publiko, emosyonal na ikinuwento ni Kevin Cancamo,  a.k.a Genggeng, ang pinakabago niyang life milestone.  

“Meron lang akong gustong ishare sa inyo na achievement ko sa buhay ko, sa sarili ko. Ayaw ko sana siya i-share. Kailangan ko pa ba i-share? Pero naisip ko lang, deserve ko naman siguro i-share kasi galing din naman ‘to sa hirap ko,” sambit niya.

Proud na ibinunyag ni Genggeng ang kaniyang second-hand na Yamaha NMAX na motorsiklo na binili para sa sarili at mula sa sariling bulsa.

“Nabili ko ‘to ng second hand kasi ‘yun lang ‘yung kaya ko. Hindi ko pa kaya na brand new,” aniya.

Hindi naman din nakalimutan ng binata na magpa-abot ng pasasalamat sa mga taong naging bahagi upang makamit niya ito. 

“Thank you, Lord. Thank you sa mga taong sumusuporta. Thank you kina Kuya Cocon at Viviys, sa Team Payaman, maraming salamat, kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magkakaganito,” galak na pagpapasalamat ni Genngeng.

Ibinahagi rin niya ang excitement sa bagong milestone na minsan lang niyang pinangarap. 

“G, you’re the best. Ang saya ko kasi nakabili ako nito and hindi ko inexpect na makakabili ako nito. Kasama lang siya sa bucketlist ko,” masayang pahayag niya.

Dagdag pa niya, plano niyang i-personalize ang bagong motorsiklo. 

“Ito na ‘yung motor ko. Gusto ko siya paset-up-an, gusto ko ipabago, ‘yung brake lever, repaint ng bearings, lalagyan ko rin ng top box,” kwento niya.

Sa simpleng tagumpay na ito, muling pinatunayan ni Genggeng na ang sipag at tiyaga ay laging may kapalit na magandang bunga. 

Netizens Reactions

Umani rin naman si Genggeng ng samu’t saring mga papuri at paghanga mula sa mga netizens na napukaw ang damdamin sa kaniyang kwento. 

Roselle Sumagysay: “Nice one Geng… Literal na di asa kay Cong TV, pinagpapaguran ang lahat.”

Jeffy Jeff: “Kaya siyang bilhan ni Cong at Viy ng brand new pero mas pinili ni Geng na galing sa pagsisikap nya ang pambili ng gusto nyang bagay… deserve it naman talaga!”

Watch the full video below: 

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.