Mommy Viy Cortez-Velasquez Prepare Healthy Merienda Recipe for Active Kids

Kung naghahanap ka ng perfect merienda recipe na masarap at malusog para sa mga bagets, hatid na ‘yan ni Mommy Viy sa kaniyang latest video upload.  

Healthy Snack Ideas

Bilang paghahanda sa swimming lesson session ng mga anak na si Zeus Emmanuel, a.k.a Kuya Kidlat, at Baby Tokyo Athena, naghanda si Mommy Viy Cortez-Velasquez ng isang masarap na pabaon. 

Isang veggie cheese balls ang inihanda ni Mommy Viy na binubuo lang ng mga gulay na broccoli at carrot na perfect para sa kaniyang mga anak.

“Sobrang perfect nito para sa mga anak ninyo, para healthy ang kanilang snack,” ani Mommy Viy.

Nagumpisa siya sa pamamagitan ng pagpapakulo ng mga sangkap gaya ng carrots at broccoli hanggang sa ito ay lumambot. Nilagyan niya ito ng kaunting coconut oil. 

Matapos mapakuluan ang mga sangkap ay nilagyan niya na ito ng itlog at keso, hinalo niya ito at dinurog saka bumuo ng malilit na bilog. 

Maaari rin itong lagyan ng kaunting asin bilang pandagdag ng lasa, bago tuluyang iprito sa mainit na mantika hanggang sa maging malutong at kulay golden brown. 

Habang nanonood sa gilid, hindi rin naman mapigilan ni Kuya Kidlat ang kagustuhang tumulong sa kanyang Mommy sa paghahanda ng mga pagkain.

Dagdag na kwento pa ni Mommy Viy ay sumusubok na siya ng ilang recipe na perfect pambaon, bago pumasok sa eskwelahan upang mag-aral ang panganay niyang si Kidlat sa Hunyo. 

Nang oras na upang ipatikim sa mga anak ang inihandang pagkain, halos maiyak si Viviys sa kanilang naging reaksyon dahil kahit si Tokyo ay tuwang tuwa matapos kumain ng isang piraso.

“Yummy!” ani Kuya Kidlat at tila nanghihingi pa.

“Yehey! Gusto ng mga junakis ko!” masayang pahayag ni Mommy Viy.

Maliban sa veggie cheese balls, sinamahan din ni Mommy Viy ang kanilang baunan ng air-fried potato fries at sauce bago tuluyang pumunta sa swimming lesson nina Kidlat at Tokyo. 

Watch the full video below:

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.