Viy Cortez-Velasquez Satisfies Family’s Korean Cravings in Latest ‘Cooking Ina’ Episode

​

Muling nagreyna sa kusina ang Team Payaman vlogger-entrepreneur na si Mommy Viy Cortez-Velasquez! 

Sa pinakabagong episode ng kanyang Cooking Ina serye, ipinamalas ni Viviys ang kanyang galing sa pagluluto ng Korean cravings ng mag-anak.

​The Secret Ingredient

​Hindi basta-bastang Korean meal ang inihain ni Viviys para sa kanyang unang first meal of the day. 

Tampok sa kanyang menu ang Cheesy Ramen, Cheesy Tteokbokki, at Fried Sausage, ngunit may baon siyang kakaibang twist: ang paggamit ng evaporated milk.

​Ayon kay Viy, ito ang kanyang sikreto upang makuha ang extra creamy at malapot na texture ng sabaw. 

Bagamat aminado siyang depende ito sa panlasa ng bawat titikim, naniniwala siyang ang paghahalo ng gatas sa maanghang na sarsa ng Spicy Noodles ng Korea ang nagbibigay ng perfect balance sa lasa ng kanyang niluto.

​

Kitchen Chaos and Real-Life Bloopers

​Bukod sa masasarap na putahe, ang tunay na rekado ng vlog ni Viy ay ang natural na kulit at real-life chaos na kinagigiliwan ng mga netizens. 

​

Sa gitna ng pagluluto, kitang-kita rin ang pagiging madiskarte ni Viy. Nang mapansing wala siyang Korean soy sauce, agad niyang naisip na gumamit ng regular na toyo bilang substitute upang mapanatili ang sarap ng niluluto. 

Dagdag pa rito ang walang humpay na asaran nila ng kanyang videographer, pati na ang kulitan nina Cong at Kidlat sa background na nagbigay ng masaya at homey vibe sa nasabing cooking episode.

​A Cheat Day Success

​Ang resulta? Isang katakam-takam na Korean feast na nilunod pa sa makapal na layer ng cheese para sa extra flavor. 

Upang masiguradong perfect ang texture, mabusisi ring niluto ni Viy nang hiwalay ang mga sausage bago ito ihalo sa main dish.

​Muling napatunayan ni Mommy Viy na ang pagluluto ay hindi lang tungkol sa pagsunod sa eksaktong recipe dahil ito ay tungkol din sa diskarte, saya, at bonding na kasama sa bawat putahe.

Angel Asay

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.