Viy Cortez-Velasquez Goes On A Fun Thailand Getaway With High School Besties

Matapos dalhin sa Macau ang kanyang pamilya, sunod namang dinala ni Viy Cortez-Velasquez ang mga kaibigan sa Bangkok, Thailand.

Silipin ang mga tagpo sa all-girls international trip nina Viviys kasama ang kanyang mga high school best friends.

UNANG LIPAD

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga tagpo bago at matapos ang kanilang Thailand getaway.

Bago pa mang tuluyang ipabalita ni Viy ang kanyang kagustuhang lumipad pa-Thailand, kanyang tinipon ang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kunyariang podcast episode.

“Kaya ko kayo pinatawag [dahil] magbu-book tayo ngayon! Surprise ko sa inyo ‘yun na mag-iibang bansa tayo,” anunsyo ni Viviys.

Mas lalong natuwa ang mga kaibigan ni Viy nang malamang sagot niya ang lahat ng gagastusin ng kanyang mga kaibigan sa nasabing trip.

Pagkalapag ng Thailand, agad na sumalang sa food trip sina Viviys upang masubukan ang ilan sa mga ipinagmamalaking putahe ng nasabing bansa kagaya na lamang ng Mango Sticky Rice.

Bumisita rin sila sa kilalang Icon Siam—isa sa mga dinadagsang mall sa Bangkok, Thailand dahil sa sikat nilang Sook Siam Food Court.

Sama-sama ring nag-shopping ang magkakaibigan dahil ayon sa kanila ay mura ang bilihin sa nasabing lugar.

Hindi rin pinalampas ng magkakaibigan na masubukan ang ‘night life’ o pag-party kung saan napaindak at napakanta ang kanilang grupo.

Kaliwa’t kanang halakhakan mula sa magkakaibigan ang bumuo sa kakaibang Thailand trip nina Viviys.

Funny Reactions

Samantala, marami ang natuwa sa kakaibang memoryang nabuo nina Viviys kasama ang mga kaibigan sa Bangkok, Thailand.

@genevievetabermejo3710: “Hay salamat may bagong vlog na ulit hahaha araw araw ako pa stalk ng stalk kung may bago na vlog!”

@mezziahgraceg.orines2499: “Manifesting maging Viviys ang atake soon!”

@oliviaannamparado4402: “[This is] the friendship that I want!”

@AltheaJersey: “Oh I love seeing ate Pat!”

@AldrixSantiago: “Attendance check!! Solid talaga miss Viy!!!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

2 hours ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

9 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

1 day ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

This website uses cookies.