Viy Cortez-Velasquez Levels Up No-Bake Macaroni and Maja Blanca with Mommy Connh, a.k.a Modern Nanay

Isang nakakatakam na mini food vlog content ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez kasama ang mom content creator na si Connh Cruz, a.k.a Modern Nanay.

Tunghayan ang nakakatuwa at nakakagutom nilang cooking session, at kung ano ang hatol ng Team Payaman sa kanilang inihandang putahe.

Luto Mo, Benta Ko

Sa kanyang latest reel upload, inanyayahan ni Viy Cortez-Velasquez ang mom-influencer na si Connh Cruz, a.k.a Modern Nanay, para sa isang masayang cooking session.

Kilala si Modern Nanay sa kanyang relatable motherhood contents kung saan nagbabahagi siya ng mga recipes at ilang payo para sa mga nanay na sumusubaybay sa kanyang social media accounts.

Sa nasabing collaboration nila ni Viviys, game na game silang gumawa ng no-bake macaroni at maja blanca na kanyang napanood sa mga mini vlogs ni Mommy Connh.

“Si Mommy Connh yung inspirasyon ko kung bakit ako nagkaroon ng Luto Mo, Benta Mo [series],” pagbabahagi ni Viy.

Hands-on sa pagtuturo si Mommy Connh ng pagkasunod-sunod ng mga kailangang gawin para sa kanilang recipe.

Hindi rin pinalampas ni Viviys na masubukang gamitin ang pagkalaki-laking shaker na nakilala dahil kay Mommy Connh.

The Verdict

Matapos ang kanilang kwelang cooking session, oras na para ibenta ang kanilang mga niluto at alamin ang hatol nina Cong TV at Burong.

Sa kauna-unahang pagkakataon, prinesyuhan ni Viviys ang kanyang Maja Blanca at No-Bake Macaroni bundle sa halagang P5,500.00.

“Ay hindi ‘yung bundle, budol ‘yun!” biro ni Cong TV.

“Ang sarap parehas!” dagdag na komento ni Cong TV.

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Julia Montes Form an Unexpected Friendship

Sa unang episode ng CARTFUN, nakasama ni Viy ang aktres na si Julia Montes para…

13 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Turns Her Kids’ Drawings Into 3D Creations With Bambu Lab

Seeing children bring their imagination to life can make family moments even more meaningful, especially…

2 days ago

Boss Keng’s Alfonso Siklab Hailed as MPPT Champs

Team Payaman's very own Boss Keng celebrates another milestone as his official pickleball team, Alfonso…

2 days ago

Team Payaman’s Bok Shares First Pickleball Sessions in Latest Vlog

Sa kaniyang pinakabagong vlog, nagbigay si Bok ng masayang pasilip sa pagsisimula ng kaniyang Pickleball…

2 days ago

One Fair, One Vision: Team Payaman Fair 2026 Brings Exhibitors Together For A Day Of Preparation And Collaboration

With excitement building for one of the biggest events this holiday season, Team Payaman Fair…

3 days ago

CIELO’s Clear Jello Blush Makes a Comeback With a New Bestie This December

CIELO Girls have more reasons to get excited this December as CIELO brings back its…

3 days ago

This website uses cookies.