Dahil panahon na naman ng tag-init, may handog na fun activity reco si Ivy Cortez-Ragos na talaga namang swak para sa pamilya.
Alamin kung saan ito at kung ano-anong mga aktibidad ang pwedeng gawin dito.
Sa kanyang recently-uploaded Facebook reel, ipinasilip ni Ivy Cortez-Ragos ang 5558 Campsite–isa sa mga swak na pasyalan para sa pamilya.
Matatagpuan ang 5558 Campsite sa Lakeside Bucal Cavinti, Laguna—ilang oras na lamang na biyahe mula sa Maynila.
Pagkadating sa campsite ay agad na sumabak sa activities si Ivy gaya ng paglilibot gamit ang bangka, pangingisda, at marami pang iba.
Mas na-enjoy din niya ang kanyang ‘alone time’ nang masubukan niya rin ang panonood ng sunset, pagligo, pagkain, at pagunwind ng mag-isa.
Matapos ang kanyang solo date, sunod naman niyang ipinasilip ang ilan sa mga aktibidad na pwede ring gawin ng pamilya.
Ilan sa mga ito ay ang camping, pagkain, at pagsakay sa camping car na handog ng 5558 Campsite.
Ito at ilan pang mga aktibidad ang pwedeng gawin ng mag-anak ngayong papalapit na tag-araw! Maaari lang magmessage sa kanilang Facebook page para bumisita.
In this scorching heat, refreshing your body is at the top of every ultimate self-care…
Team Payaman fans were thrilled when Netflix Philippines featured Junnie Boy in their "One Great…
Matapos ang matagumpay na 12-episode run ng kanyang podcast na ‘Kags, Help!’ noong 2025, muling…
Isang bonggang sorpresa ang inihanda ni Viviys para sa buong Pamilya Cortez matapos niya silang…
Isang masayang food trip adventure ang hatid ng bagong vlog ni Cong TV kasama ang…
Sa bagong episode ng “Tsuper Dad” series, ibinahagi ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a. Junnie Boy…
This website uses cookies.