Viyline Group of Companies Hits 9,600 Orders in Recent Clearance Sale

Hindi maitatanggi na malakas na impluwensya ng Viyline CEO and Founder na si Viy Cortez-Velasquez matapos humakot ng mahigit 9,600 orders sa loob lamang ng isang araw sa nagdaang Viyline Clearance Sale noong March 24.

​Ang nasabing tagumpay ay bahagi ng isinagawang Clearance Sale bilang pagdiriwang sa paglipat ng Viyline sa pinakabagong Office & Warehouse nito sa Carmona, Cavite.

​

Non-Stop Deals and Surprises

​Sa loob ng halos walong oras na TikTok live na pinangunahan ni Viviys, hindi pinalampas ng libo-libong mga tagasuporta ang Buy 1 Take 1 promo sa lahat ng produkto ng nasabing brand. 

Kabilang sa mga naging bestsellers ay ang: Viyline Cosmetics, Viyline Skincare, Ivy’s Feminity, Luxe Slim Choco, TP Kids, King Sisig in a Jar, Snake Brand, Perfect Scent, and Novellino x Team Payaman Wines

Bukod sa mga discounts, hindi rin nawala ang samu’t saring freebies na personal na ipinamahagi ni Viviys habang nakikipagchikahan sa kanyang mga viewers.

​

Warehouse-warming

​Ayon kay Viviys, ang isinagawang Clearance Sale ay nagsilbing warehouse-warming event para sa mas malaki at mas makabagong facility para sa kanyang negosyo. 

Sa gabay ng kanyang ama at General Manager ng kumpanya na si Mr. Rolando B. Cortez,  naging matagumpay ang operasyon ng nasabing online sale.

​“Salamat sa mga sumuporta sa aming kauna-unahang liveselling session kagabi sa bagong office warehouse ng Viyline. Mas maluwag, mas maaliwalas, at mas naramdaman namin ang grasya ng Diyos!” pahayag ni Mr. Cortez sa kaniyang Facebook post.

Stay Tuned!

​Hindi pa rito nagtatapos ang mga pasabog ng Viyline ngayong taon. Inimbitahan din ni Viviys ang publiko na abangan ang mga malalaking events ng Viyline at Team Payaman:

  • ​TP Kids Fair: SM Megamall (July 31 – August 2, 2026)
  • ​Team Payaman Fair: SMX Convention Center, MOA (December 27 – 30, 2026)

​Para sa mga hindi nakahabol sa sale, manatiling updated at mag-follow sa mga social media pages ni Viy Cortez-Velasquez at Viyline Media Group para sa mga susunod na live selling schedules at iba pang exciting surprises!

Angel Asay

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.