Team Payaman’s Dudut Spreads Joy and Flavor in the Epic Return of ‘Dudut’s Kitchen Dayo’

Matapos ang halos isang taon, muling nagbabalik ang isa sa mga pinaka-favorite YouTube serye ni Dudut—ang Dudut’s Kitchen Dayo. 

Sa pagkakataong ito, hindi lang simpleng luto ang dinala niya kundi isang full culinary experience nang dayuhin niya ang tanyag na Storya Kitchen.

‘Not Your Ordinary’ Filipino Feast

Hindi naging biro ang challenge para kay Dudut dahil sumabak agad siya sa paghahanda ng isang baptismal buffet. Ipinakita sa vlog ang mabusising preparation ng mga requested dishes gaya ng Barbecue Chicken na mahigit isang araw na ibinabad sa kanilang special sauce, pati na ang Braised Beef, Truffle Pasta, at ang paborito ng lahat na Lechon Kawali.

Tampok din sa menu ang mga Pinoy dishes na may modern twist katulad ng Deconstructed Pork Sinigang na dry version ng sinigang kung saan ang asim at sarap ay nasa sauce na ikaw mismo ang mag-mi-mix.

Meron ding Filipino-Style Shawarma na may kakaibang toppings gaya ng dilis, salted egg, at kamatis, pati na ang Bicol Express Pasta na perfect combination ng anghang at gata, served as a pasta dish.

Executive Chef Approved

Higit pa sa kakaibang humor at energy na dala ni Dudut sa loob ng kusina, humanga rin ang Storya Kitchen’s Executive Chef sa pagiging fast learner at skilled ng Team Payaman member. 

Isang turo lang daw ay nakukuha na agad ni Dudut ang mga kitchen techniques, mula sa pag-prepare ng ingredients hanggang sa plating.

Nagtapos ang episode sa isang warm greeting para sa araw ng mga puso, kung saan pinasalamatan ni Dudut ang buong staff at ang mga OJTs na buong araw na nag-effort para mapagsilbihan ang mga customer.

Team Payaman Family

Hindi rin mawawala ang support ng pamilya dahil bumisita ang Team Payaman members na sina Junnie, Vien, Chino, at Madam Eve, kung saan si Dudut mismo ang nag-prepare ng kanilang pagkain.

“Syempre Dudut’s Kitchen pa rin naman ‘to. ‘Pag sinabing Dudut’s Kitchen, I love cooking for my friends. Katulad kung paano nagsimula ang Storia Kitchen, food brings my friends together. Kaya nandito sila ngayon—masayang-masaya ang puso ko na mapaglutuan sila.” ani Dudut.’

Create Your Own Story

Sa huli, nag-iwan si Dudut ng message para anyayahan ang mga manonood sa Storya Kitchen. “Subukan niyo na dito sa Storya para maramdaman niyo rin ‘yung pagmamahal na nilalagay nila sa mga pagkain nila. Malay niyo… magkaroon kayo ng mas maganda pang istoryang idadagdag sa buhay niyo.”

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

3 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

6 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

1 day ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

1 day ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

2 days ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

2 days ago

This website uses cookies.