Viy Cortez-Velasquez Surprises Family with an Unforgettable Trip to Macau

Isang bonggang sorpresa ang inihanda ni Viviys para sa buong Pamilya Cortez matapos niya silang gulatin ng biglaang lipad papuntang Macau – isang bakasyon na tiyak na hindi nila malilimutan.

Biglang Lipad

Maalala sa unang kabanata ng ‘Biglang Lipad’ serye ng Team Payaman member na si Viy Cortez-Velasquez na una niyang nabikitima si Chino Liu sa sorpresang trip to Vietnam

Ngayong ikalawang kabanata naman ay inulit niya ito para sa kanyang mag-anak. 

Kwento ni Viviys ay napakarami niyang napagtanto matapos ang karanasan bilang Sepulturera for a Day sa nagdaang Halloween Special vlog, isa na doon ay ang kahalagahan ng pagbibigay ng oras sa pamilya lalo ngayong kumpleto pa sila sa mundong ibabaw. 

Kaya naman, naisipan niyang tuparin ang isa sa bucket list na dalhin ang buong pamilya sa ibang bansa.

Tagumpay niyang nakuha ang passport ng pamilya matapos sabihing para ito sa insurance renewal. Lingid sa kanilang kaalaman, gagamitin na pala ito upang makapag-book ng kanilang flight tickets.

Upang mapasakay sa kotse, pinaniwala ni Viviys na mayroon silang first-ever commercial shoot as a family para sa isang brand na kinuha siyang endorser; kung kaya’t todo practice rin naman ang mga ito sa pagiging mga artista.

Maya-maya pa, ikinagulat na lang ng lahat na ibinaba na sila sa airport at ibinunyag ni Viviys ang sorpresang flight papunta sa Macau. 

“Huy! Ang dami kong plano ngayong araw na ‘to,” reklamo ng nakatatandang kapatid na si Ate Ivy Cortez-Ragos. “Wala akong panty!” pahayag pa ng nakababatang kapatid na si Yiv Cortez.

Wala akong charger, ‘yung maintenance ko, ‘yung mga bookfair!” pag-aalala pa ng ina nitong si Madam Imelda Cortez. Samantala, “Diyos ko, patawarin,” na lang ang nasambit ng ama nitong si Rolando Cortez, a.k.a Papa Wow.

Pagdating sa Macau, buong galak naman nilang iniwan ang mga isipin sa Pilipinas at agad na naglibot upang makapag shopping ng mga damit at sapatos, mag-foodtrip ng mga masasarap na pagkain, at sinulit ang bawat sandali ng bakasyon bilang isang pamilya.

Sa kalagitnaan nito, hindi pa rin makapaniwala ang buong pamilya sa sorpresang naranasan kaya naman hindi rin nila pinalagpas ang pagkakataon na magbalik tanaw at magtawanan tungkol sa mga kwento ng kanilang kabataan at bilang magkakapatid.  

Satisfying na nakapamasyal tayo sa Macau with the whole fam. Thank you, Viy,” pagpapasalamat ni Papa Wow.

Noong mga bata tayo pag summer, kailangan nating magwork, magtinda ng kung anu-ano, kaya hindi ako nage-expect ng bakasyon, wala tayong nilu-look forward. So yung mga ganitong bagay, ang saya. Thank you Viy,” emosyonal na sambit pa ni Ate Ivy. 

Bilang pagtatapos ng vlog, nag-iwan naman si Viviys ng mahalagang mensahe ng inspirasyon para sa mga manood: “Magtatrabaho ako sa bahay, magvlog ako, magliveselling ako, lahat ititinda ko para gawin ko ulit ito ngayong taon. Sulitin ko na ‘to. Kasi tumatanda na yung mga magulang natin, kailangan na natin magspend ng time sa kanila.”

Netizens Reactions

Matapos ang vlog upload, laking gulat ni Viviys nang umani siya ng iba’t ibang papuri at paghanga sa mga netizens na nakakuha ng inspirasyon dahil sa ginawa niyang sorpresa para sa pamilya.   

Grabe, hindi ko inaasahan na madami akong mababasa at makikita na na-inspire sa latest vlog ko. Akala ko ginagawa ko lang ‘yung mga pangarap ko at bini-video at iuupload.  Yun pala may mas malaki siyang dahilan,” caption ni Viy.

@gregbelleza8857: “Cherish your family while you’re still complete.”

@aljongregorycuizon8704: “Lesson learned: dapat hanggang maaga pa spend more time with ating parents or kapatid dahil walang rewind dito sa mundo. Salamat, Ate Viy, nakaka flutter sa heart panuorin.

@aesombr: “As a daughter who cannot yet afford to do this with her family, I hope someday I can get a chance to do this also. Grabe ka, Viviys, kung hindi tawa, pinapaiyak mo naman ako. More blessings sayo!”

@joymarie: “May your pockets never run dry, Viviysss!”

Galingan natin ha? Wag tayo susuko. Sabay sabay tayo gogogo lang,” dagdag na komento pa ni Viviys. 

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

Ninong Ry Takes Team Payaman’s Dudut Lang on a Palengke Food Truck Adventure

Upang sanayin ang kanyang food truck sa paglilibot sa iba’t-ibang lugar, una nang inimbitahan ni…

8 hours ago

Upgrade Your Brand Setup with Viyline Printing Services

​ Are you getting tired of fetching heavy tables and bulky display products every time…

2 days ago

Cong TV, Junnie Boy, and Ninong Ry Featured in Three Limited-Edition Foodvencha Can Designs

Kasabay ng naging Foodvencha nina Cong TV, Junnie Boy, at Ninong Ry sa iba’t ibang…

2 days ago

Junnie Boy Gives Computer Setup a Fresh Look in Latest Vlog

Isang computer setup makeover at masayang gaming session ang tampok sa pinakabagong vlog ng Team…

2 days ago

Cong TV Earns Historic Recognition at the FAMAS Broadcast Arts Awards 2026

Kaliwa’t kanang papuri ang natanggap ng Team Payaman headmaster na si Cong TV matapos niyang…

3 days ago

Yiv Cortez Shares Skin Update After Undergoing Multiple Aesthetic Procedures

Matapos sumailalim sa ilang facial procedures, nagbigay ng update ang Team Payaman next-gen vlogger na…

4 days ago

This website uses cookies.