Team Payaman’s Chino Liu Brings Luxe Conversations in ‘Chino On Deck’


Matapos ang matagumpay na 12-episode run ng kanyang podcast na ‘Kags, Help!’ noong 2025, muling magbabalik sa podcast scene ang Team Payaman member na si Chino Liu sa pamamagitan ng panibagong konsepto.

Sa kanyang bagong show na ‘Chino On Deck,’ ipapakita ni Chino ang kanyang kakaibang estilo at panlasa sa luxury lifestyle at kwentuhan.

Chino on Deck

Sa unang pasilip ng programa, ipinakilala ni Chino Liu, a.k.a. Tita Krissy Achino, ang marangyang konsepto ng kanyang bagong podcast na ‘Chino On Deck’ sa pamamagitan ng mga eksena mula sa photoshoot at produksyon.

Makikita sa teaser ang high-end hotel kung saan ginawa ang mga kuha, na nagpapahiwatig ng tema ng ‘luxury lifestyle’ na nais niyang ipakita.

Ayon kay Chino, layunin ng ‘Chino On Deck’ na pagsamahin ang iba’t ibang panauhin sa isang espasyo para sa mga diskusyong puno ng kaalaman at pananaw. 

Hindi raw karaniwan ang mga pag-uusap na aasahan sa show, kundi mga talakayang may mas mataas na antas at may kakaibang perspektibo.

“We bring masters to the deck, match them with the luxe type, and let the stories flow. Kasi honestly, walang average dito. Posh level lang,” ani Chino.

Handa ang ‘Chino On Deck’ na maghatid ng eleganteng usapan at nakakaaliw na kwento, habang ipinapakita ang natatanging personalidad ni Chino bilang ‘posh bestie’ ng kanyang mga tagapakinig.

Checking in Soon!

Sa nalalapit na premiere ng ‘Chino On Deck,’ inaasahang magdadala ito ng panibagong flavor sa local podcast scene. 

Ihahatid nito ang kombinasyon ng kaalaman, aliw, at estilo, bagay na tiyak na aabangan ng mga tagapakinig.

Para sa mga karagdagang updates, manatiling nakatutok sa kanilang opisyal na Facebook at Instagram pages.

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

23 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

24 hours ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 day ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.