Cong TV and Ninong Ry Hit the Streets of Malabon for an Ultimate Pancit Showdown

Isang masayang food trip adventure ang hatid ng bagong vlog ni Cong TV kasama ang kapwa content creator at TP Friend na si Ninong Ry

Maliban sa food trip, ang pangunahing layunin ng vlog ay alamin mula sa mga tiga-Malabon kung talaga nga bang pinakasamasarap sa bayan ang Pancit Malabon ng editor ni Ninong Ry na si Ian Gimena.  

“Napalaban sa Malabon”

Sa naturang vlog, binisita ni Cong ang chef-vlogger sa kanilang bahay sa Malabon kasama ang ilang miyembro ng Team Payaman Wild Dogs na sina Junnie Boy, Burong, at Carding.

Tinawag nilang “Napalaban sa Malabon” ang food trip adventure dahil hinamon nila si Ian na alamin ang pulso ng bayan patungkol sa “Mylene’s Pancit Malabon” na ilang taon na niyang ipinagmamalaki sa iba’t ibang bisita. 

Upang malaman ang sagot, naglibot ang grupo sa mga kalye ng Malabon at nagtanong sa mga residente tungkol sa dalawang uri ng Pancit Malabon na kanilang ihinanda.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-iikot, pinasubok na rin ni Ninong Ry sa TP Wild Dogs ang iba’t ibang sikat na lokal na pagkain sa Malabon kagaya ng puto, crispy pata, quekiam, at mga kakanin tulad ng biko, mais, ube, kutsinta, kamoteng kahoy, at sapin-sapin.

Maraming maraming salamat, Nong, sa napakasarap na foodtrip na ipinagkaloob mo sa amin,” pagpapasalamat ni Cong.

Nabigyan mo kami ng bagong perspective sa pagkain. Walang tapon dun sa mga pinuntahan natin,” ani pa ni Junnie Boy.

Nang TP Wild Dogs na mismo ang tumikim sa dalawang bersyon ng pancit, sinabi ni Cong na malinaw ang pagkakaiba ng lasa ng bawat isa at nakadepende ito sa nais na panlasa ng tao. 

Ayon sa kanya, may isang naglalabas ng mas “classic” na lasa ng pancit habang ang isa naman ay may sariling kakaibang timpla.

Sa huli, nakalikom ang grupo ng kabuuang 62 boto mula sa mga lokal. Sa bilang na ito, ibinunyag ni Cong na 27 lang ang pumili sa isang uri habang 35 naman ang bumoto para sa Pancit Malabon ni Ian.

Gusto ko lang magpasalamat sa mga tao sa Malabon, sa mga pumili ng Pancit Malabon namin. Gusto ko lang din pasalamatan sina Boss Cong, at syempre kay Bossing (Ninong Ry) kasi hindi ako kinakalimutan,” pahayag naman ni Ian. 

Ibinahagi rin ni Ian ang pagmamalaki sa kanyang ina na patuloy na nagsusumikap para sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng Mylene’s Pancit Malabon.

Proud na proud ako sa mama ko sa pagtatrabaho niya sa amin, talagang inaahon niya pa rin kami,“

Bilang pagtatapos, nagbigay ng mensahe si Cong tungkol sa pagpapahalaga sa mga magulang. 

“‘Yan yung isang bagay lahat tayo makakarelate kasi pare-parehas tayong proud sa mga bagay na nagawa para sa atin ng mga magulang natin. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayo rito. So parang, we always honor our parents, so big shoutout sa mga magulang.” 

Watch the full vlog below: 

Alex Buendia

Recent Posts

AdVIENture in Tanay: Vien Iligan-Velasquez Drops the Ultimate Tanay, Rizal Travel Guide

Isinama ni Vien Iligan-Velasquez ang mga manonood sa Tanay trip ng kanilang pamilya sa kanyang…

2 days ago

Ninong Ry, Cong TV, and Junnie Boy Go On A Fun Offroad Adventure in Pampanga

Isang masaya at hindi malilimutang offroad adventure ang hatid nina Ninong Ry, Cong TV, at…

2 days ago

Team Payaman’s Kevin and Abigail Hermosada Announce Pregnancy

Isang masayang balita ang hatid ng mag-asawang Kevin Hermosada at Abigail Campanano-Hermosada sa kanilang mga…

2 days ago

Team Payaman’s Dudut Lang Takes On Intense HYROX Training With David Licauco

Nagsanib-pwersa ang Team Payaman cook na si Dudut Lang at aktor na si David Licauco…

2 days ago

Team Payaman Melts Over Pat Velasquez-Gaspar’s Son Ulap’s First Haircut

Hindi matatawarang mga reaksyon mula sa kanyang mga Tito at Tita ang natanggap ni Ulap…

2 days ago

Yiv Cortez Highlights All-in-One Treatments for a Confident Underarm Glow-Up

Many people continue to look for effective ways to manage common underarm concerns such as…

4 days ago

This website uses cookies.