Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas matapos sumabak ang Team Payaman member na si Cong TV sa pangmalakasang fishing experience sa Mindoro.
Tagumpay nga ba si Cong TV na maibigay ang cravings ng asawang si Viviys? Alamin!
Tampok sa pinakabagong vlog upload ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang kakaibang hiling ng asawang si Viy Cortez-Velasquez na isdang Tuna. Hirit pa nito ay ayaw niya ng binili lang, kundi ay hinuli mismo ng kanyang asawa.
Agad namang nakahingi ng saklolo si Cong sa grupo ng mga kaibigang kapwa vloggers kabilang na ang Y Kulba at Team Payaman Wild Dogs na sina Boss Keng, Junnie Boy, Burong, at Bok.
Nagtungo ang grupo sa Occidental Mindoro kung saan naninirahan ang Team Harabas na pinapangunahan ni Jeff Harabas na kilala sa mga content patungkol sa ‘catch and cook’ na uri ng pangingisda at iba pang klase ng extreme adventure.
Hindi pinalampas ni Cong ang pagkakataong makahingi ng ilang payo sa Team Harabas upang mapagtagumpayan ang misyon na makapanghuli ng isdang Tuna para sa asawa.
Mapapanood sa vlog ang proseso ng paghahanda ng buong grupo para sa kanilang extreme fishing challenge, pati na rin ang kasiyahan sa tuwing nakakahuli na sila ng isda.
Kalaunan ay dumating na rin ang panahon na makikitang nakahuli si Cong ng mabigat at nanlalaban na isda na pinaghihinalaan nilang Tuna. Noong inahon ito ay buong galak na ipinagdiwang ng grupo ang tagumpay na huli.
Agad inuwi ni Cong ang ‘nahuling Tuna’ para sa asawang si Viy na labis naman ang pagka-proud at pagpapasalamat sa effort niya.
“Wow! Thank you, love! Grabe ang effort mo naman! Talagang hinuli mo ‘yan para sa akin?,” tanong ni Viviys.
Lingid sa kaalaman ng asawa, at pati na rin ng mga manonood, na ang nahuling tuna ay nabili at tinawaran lamang sa palengke. Samantala ang isda naman na kunwaring nanlalaban ay ginanapan lamang din ng isa sa mga mangingisda na si Kuya Melchor.
“Wag kayo maingay kay Viviys,” biro pa ni Cong.
Watch the full vlog here:
Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…
Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…
Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…
Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…
Sa pagnanais maging isang global influencer, sinama ni Cong TV ang kapwa Team Payaman members…
Isang matamis na food adventure ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…
This website uses cookies.