Vien Iligan-Velasquez Takes On Junnie Boy’s “Assistant and Driver for a Day” Challenge

Kumasa ang TP vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa ‘assistant and driver’ for a day challenge ng kanyang asawa na si Junnie Boy.

Silipin ang mga BTS sa nagdaang proyekto ni Junnie Boy at kung paano naisagawa ni Vien ang buhay ng pagiging isang assistant. 

Junnie’s PA

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanyang araw bilang assistant ng asawang si Junnie Boy.

Sinamahan ni Vien ang mister na si Junnie Boy sa kanyang shoot para sa collaboration kasama ang Netflix Philippines at One Piece.

Una na sa kanilang naging paghahanda ay ang pag-aayos ng mga susuotin at mga gagamitin ni Junnie para sa nasabing shoot.

Hands-on din si Vien pagdating sa paghahanda ng mga gamot ni Junnie dahil aniya’y buong araw itong nasa labas.

Bukod kay Vien, kasama rin nila ang kapwa TP member na si Chino Liu na nagsilbi namang driver ni Junnie.

Pagdating sa set, naging abala na si Vien sa pagasista sa asawa pagdating sa pag-aayos nito.

Binigyan niya ang asawa ng portable fan at tubig na makakatulong sa pagbabawas ng init sa kabila ng kanilang shoot.

Labis naman ang naging pasasalamat  ni Junnie sa asawa dahil sa dekalidad na pag-aalaga nito.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang komento sa kakaibang content na hatid nina Vien at Chino.

@Febdiday: “Isa lang talaga ang napapansin ko—ang supportive na friend ni Chino!”

@Idwarduuu: “Ang witty nung mga fans kahit lumang joke na HAHAHAHAHA!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

BALISURE na ba? Dudut, naningil na kay Burong sa ipinangakong Bali trip para sa DuTel!

Mukhang oras na para tuparin ni Burong ang matagal na niyang pangakong Bali trip para…

5 hours ago

Hilig Ang Susi! Cong TV, May Nakakatuwang Diskarte Para Kay Kuya Inday

May bagong paraan si Cong TV para mapanatili si Kuya Inday sa bahay, at tila…

6 hours ago

CIELO Brings Its First-Ever Pop-Up Store to Team Payaman Fair 2026

Attention, beauty gurus! Your new favorite makeup bestie is coming closer as CIELO makes its…

10 hours ago

Ivana Alawi, Zeinab Harake-Parks, and Viy Cortez Turn Street Pranks Into Acts of Kindness

Isang nakakaantig na social experiment ang isinagawa ng magkakaibigang sina Ivana Alawi, Zeinab Harake-Parks, at…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Shares More Family Moments in EP 5 of realiTViy Vlog Series

Sa gitna ng kanyang abalang schedule, hindi nakakalimutan ng Team Payaman vlogger na si Viy…

1 day ago

Cong TV Gives a Glimpse of Family Bonding in Latest Vlog “PAHINGAE”

Puno ng tawanan, kuwentuhan, at simpleng saya ang bagong vlog ni Cong TV na "PAHINGAE"…

2 days ago

This website uses cookies.