Keng’s Kitchen EP 1: Boss Keng Surprises Gaspar Family with Sweet Homemade Meal for Valentine’s Day

Isang sweet Valentine’s treat ang hatid ni Boss Keng bilang ama sa Pamilya Gaspar, tampok sa kaniyang latest YouTube vlog.

Alamin ang buong kwento sa likod ng isinagawa niyang surpresa at ang reaksyon ng kanyang mag-iina rito. 

Keng’s Kitchen

Upang iparamdam ang pagmamahal sa pamilya sa araw ng mga puso, minabuti ni Boss Keng na personal na ipagluto ang pamilya ng Grilled Tomahawk Steak, Sausage, French Fries, at Buttered Shrimp.

Sa unang episode ng bagong seryeng pinamagatang “Keng’s Kitchen,” ibinida ni Boss Keng kung paano niya pinangunahan ang buong proseso, mula sa preparasyon ng mga sangkap, pagpapabaga ng uling, pagluluto, at hanggang sa paghahain ng kanyang mga niluto.

Matapoos magluto ay hindi rin maitago ni Boss Keng ang galak at kasiyahan sa bawat pagkain na kanyang inihanda.

Pat’s Reaction

Nang oras na para ipatikim sa asawang si Pat Velasquez-Gaspar ang resulta ng “Keng’s Kitchen,” labis din ang pagpapakita nito ng paghanga at pasasalamat sa asawa.

Kwento ni Pat, naging tradisyon na lang nilang mag-asawa na magdiwang ng Valentine’s Day sa kanilang tahanan upang iwasan din ang bugso ng mga tao sa ibang lugar. 

Dagdag pa niya ay lubos niyang ikinakatuwa ang ganitong klase ng pagpapahayag ng pagmamahal, bitbit ang halos dalawang dekada nila bilang mag-asawa.  

Si Keng sobrang effort niyan sa akin as in, since Day 1. Mag 17 years na kaming nag-a-anniversary and never talaga siya pumalya sa lahat ng okasyon namin,” pahayag ni Pat. 

May mga times na naka-vlog, may mga times na hindi. Simula noon na dalaga pa ako, hanggang ngayon na nanay na ako, nakikita ko pa rin ang effort niya na pasayahin ako at busugin ako. So, daddy, thank you so much sa lahat ng iyong pagmamahal, effort, at walang sawang pagpaparamdam sa akin na kung gaano ako ka-special, kung gaano mo ako vina-value,” pagpapasalamat ni Pat. 

Nag-iwan din naman si Keng ng mahalagang mensahe patungkol sa pamilya bilang pagtatapos ng vlog: “Mas nagiging makabuluhan ang bawat tibok ng puso kapag kasama ang pamilya. Sa mundo na puno ng pagbabago, isa lang ang sigurado, ang pagmamahal ng pamilya, ang pusong uuwian mo sa bawat araw.

Watch the full vlog here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Reveals Secret Struggles and Heartbreak Behind the Camera

Sa pinakabagong episode ng Makeup Sessions YouTube series ng Team Payaman Friend na si Michelle…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Opens Up on Love, Family, and Personal Growth on ‘Chad Kinis Show’ Season 2

Hindi nauubos ang tawanan sa pagbubukas pa lang ng ‘Chad Kinis Show,, lalo na nang…

11 hours ago

Dudut Lang ‘Converts’ a Basher with His Legendary Sinigang Magic

Isa na namang nakakatakam na episode ang hatid ni Dudut Lang sa recent episode ng…

15 hours ago

Team PYMN Clothing Unveils First Look at Upcoming ‘Rustline’ Series

Fresh off the success of the Rawblock Collection, Team PYMN Clothing is back with another…

15 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Explores Middle Eastern Fragrance Collection at Perfume House

Step into the world of captivating fragrances with Ivy Cortez-Ragos as she explores Perfume House…

1 week ago

Viyline Group of Companies Hits 9,600 Orders in Recent Clearance Sale

Hindi maitatanggi na malakas na impluwensya ng Viyline CEO and Founder na si Viy Cortez-Velasquez…

1 week ago

This website uses cookies.