Yiv Cortez Shares Weekend Hustle as Student Entrepreneur

Isang bagong yugto ng pagiging student entrepreneur ang ibinahagi ni Yiv Cortez sa kaniyang vlog matapos niyang ipakita ang pagra-raket tuwing weekend habang patuloy sa pag-aaral.

Sa isang event na ginanap sa Canossa School of Santa Rosa, personal niyang ipinakita ang aktuwal na pagse-set up ng kaniyang booth at pakikipag-ugnayan sa mga mamimili.

Student Entrepreneur

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Team Payaman next-gen vlogger na si Yiv Cortez ang kanyang pagbisita sa Canossa School of Santa Rosa, kung saan siya nagtayo ng booth para sa kanyang negosyong ‘Charms by YIVA,’ na nag-aalok ng personalized accessories.

Ayon kay Yiv, bahagi na ng kanyang routine ang paghahanap ng mga maaaring mapwestuhan kada weekend upang maipakilala at maibenta ang kanyang mga produkto.

“Every weekend ako naghahanap ng pwede kong mapag-booth,” ani Yiv.

Kasunod nito, ibinahagi ni Yiv ang reyalidad ng pagne-negosyo habang nag-aaral, kung saan may kaakibat na risk dahil hindi tiyak kung magiging matagumpay ang isang event o kung sapat ang kita sa buong araw.

Sa kabila nito, patuloy niyang sinusubukan ang iba’t ibang oportunidad upang mapalago ang kanyang maliit na negosyo.

Sa gitna ng abalang araw, ipinakita rin ni Yiv ang kahalagahan ng pahinga at simpleng reward sa sarili, lalo na tuwing tanghalian. Aniya, hindi dapat puro trabaho at mahalagang maglaan din ng oras para sa sarili.

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

12 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

15 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

2 days ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

2 days ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

3 days ago

This website uses cookies.