Keng’s Kitchen EP 1: Boss Keng Surprises Gaspar Family with Sweet Homemade Meal for Valentine’s Day

Isang sweet Valentine’s treat ang hatid ni Boss Keng bilang ama sa Pamilya Gaspar, tampok sa kaniyang latest YouTube vlog.

Alamin ang buong kwento sa likod ng isinagawa niyang surpresa at ang reaksyon ng kanyang mag-iina rito. 

Keng’s Kitchen

Upang iparamdam ang pagmamahal sa pamilya sa araw ng mga puso, minabuti ni Boss Keng na personal na ipagluto ang pamilya ng Grilled Tomahawk Steak, Sausage, French Fries, at Buttered Shrimp.

Sa unang episode ng bagong seryeng pinamagatang “Keng’s Kitchen,” ibinida ni Boss Keng kung paano niya pinangunahan ang buong proseso, mula sa preparasyon ng mga sangkap, pagpapabaga ng uling, pagluluto, at hanggang sa paghahain ng kanyang mga niluto.

Matapoos magluto ay hindi rin maitago ni Boss Keng ang galak at kasiyahan sa bawat pagkain na kanyang inihanda.

Pat’s Reaction

Nang oras na para ipatikim sa asawang si Pat Velasquez-Gaspar ang resulta ng “Keng’s Kitchen,” labis din ang pagpapakita nito ng paghanga at pasasalamat sa asawa.

Kwento ni Pat, naging tradisyon na lang nilang mag-asawa na magdiwang ng Valentine’s Day sa kanilang tahanan upang iwasan din ang bugso ng mga tao sa ibang lugar. 

Dagdag pa niya ay lubos niyang ikinakatuwa ang ganitong klase ng pagpapahayag ng pagmamahal, bitbit ang halos dalawang dekada nila bilang mag-asawa.  

Si Keng sobrang effort niyan sa akin as in, since Day 1. Mag 17 years na kaming nag-a-anniversary and never talaga siya pumalya sa lahat ng okasyon namin,” pahayag ni Pat. 

May mga times na naka-vlog, may mga times na hindi. Simula noon na dalaga pa ako, hanggang ngayon na nanay na ako, nakikita ko pa rin ang effort niya na pasayahin ako at busugin ako. So, daddy, thank you so much sa lahat ng iyong pagmamahal, effort, at walang sawang pagpaparamdam sa akin na kung gaano ako ka-special, kung gaano mo ako vina-value,” pagpapasalamat ni Pat. 

Nag-iwan din naman si Keng ng mahalagang mensahe patungkol sa pamilya bilang pagtatapos ng vlog: “Mas nagiging makabuluhan ang bawat tibok ng puso kapag kasama ang pamilya. Sa mundo na puno ng pagbabago, isa lang ang sigurado, ang pagmamahal ng pamilya, ang pusong uuwian mo sa bawat araw.

Watch the full vlog here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Cong TV Introduces New Editor Oliver Agres in Latest Vlog

Sa pinakabagong vlog ni Cong TV, tampok ang pagdating ng Canadian content creator na si…

14 hours ago

Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy Join Dudut Lang in a Fun Cooking Session

Muling nakasama ng resident cook ng Team Payaman na si Dudut Lang ang mga kaibigan…

1 day ago

Don’t Miss Out: Viyline Skincare’s Massive Buy 1 Take 1 Sale Returns This May 1

In case you missed the first Viyline Skincare Day, don’t fret! You’re in for another…

1 day ago

B1T1 Takeaway Coffee Officially Joins Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat as Official Coffee Brand Partner

Viyline Media Group is bringing back its highly anticipated Team Payaman Fair to SMX Convention…

1 day ago

Cong TV Takes On Extreme Cooking Challenge With Mang Tomas

Isang pangmalakasang buwis-buhay na promotion ang hatid ni Cong TV para sa Mang Tomas matapos…

2 days ago

Team Payaman Power Couples Take On Fun Swap Partner Challenge

Sa bagong vlog ni Viy Cortez-Velasquez, isang masayang hamon na naman ang kanyang hatid kasama…

2 days ago

This website uses cookies.