Burong and Aki Macacua Celebrate Their First Wedding Anniversary in Taiwan

Isang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang nang magsimula ang forever nina Aaron Macacua, a.k.a Burong, at Aki! 

Sa unang taong anibersaryo ng kanilang kasal, mas pinili ng dalawa na ipagdiwang ang kanilang pagmamahalan sa Taiwan.

A Sweet Escape

Ayon kay Burong, marami na raw silang pinagdaanan bilang mag-asawa sa loob ng isang taon. May mga challenges, may mga victories, at higit sa lahat, maraming pagkakataon ang mas nagpapatibay sa kanila. Pero para sa kanya, simula pa lang ito. Mas marami pa raw silang haharapin at pagdadaanan  ng magkasama.

Kaya naman para sa kanilang wedding anniversary celebration, lumipad pa-Taiwan ang mag-asawang Burong at Aki.

Isa sa mga unang tinikman nila pagdating? Ang sikat na Ichiran Ramen! Kwento nila, ito ang first time ni Aki sa Taiwan at hindi nila pinalampas ang pagkakataong mag Ramen Date. 

Todo-enjoy ang dalawa sa kanilang unang meal bilang anniversary treat, sabay picture-taking para may remembrance ng kanilang sweet getaway.

More Adventures Ahead

Bukod sa food trip, nag-coffee shop hopping din ang dalawa bago magtungo sa Taipei Zoo para mag-explore. Hindi rin nila pinalagpas ang pagkakataong makasakay ng cable car kung saan talagang na-enjoy nila ang view, ang lamig ng hangin, at ng mga pagkain sa paligid. 

Isa rin sa highlight ng kanilang Taiwan trip ay ang pamamasyal sa Ximending! Doon, nag-explore sila ng night life, naglakad-lakad, at sinulit ang bawat pagkakataong magkasama. 

Sumakay din sila ng train upang mas masilip pa ang iba pang mga pook na pwede nilang pasyalan.

Sa huli, nagpaabot ng appreciation si Burong sa kanyang asawa. Ibinahagi niya kung gaano siya kagalak sa mas marami pang adventures, challenges, at milestones na haharapin nila ng misis na si Aki.

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

23 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

24 hours ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 day ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.