Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang tradisyon ng pagkakabit ng Christmas tree kasama ang pamilya.

Sa kanyang bagong vlog, tampok ang kanyang asawa na si Junnie Boy at kanilang mga anak na sina Kuya Mavi at Viela, na masayang nakilahok sa paglalagay ng dekorasyon habang sinasagot ang mga tanong na inihanda para sa kanila.

Christmas Decor with Q&A

Sa unang bahagi ng vlog, ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez na parte na ng kanilang holiday tradition ang pagbuo ng Christmas tree kasama ang pamilya tuwing papalapit na ang Pasko. 

Bilang dagdag sa kanilang tradisyon, nagpasya ang mag-asawang Vien at Marlon Velasquez Jr., a.k.a. Junnie Boy, na gawing mas interactive ang aktibidad sa pamamagitan ng ‘Question and Answer’ kasama ang kanilang dalawang anak na sina Von Maverick at Alona Viela.

Habang abala sina Vien at Junnie sa pag-aayos sa itaas ng Christmas tree, hinikayat naman nila ang mga bata na maglagay ng ornaments sa ibabang bahagi nito.

Sa unang tanong, ibinahagi ng magkapatid na ang kanilang ‘dream Christmas vacation’ ay pumunta sa Japan upang maranasan ang snow, na naiugnay sa alaala ng nakaraang bakasyon nina Vien at Junnie sa nasabing bansa.

Sa usapan tungkol sa paboritong bonding time, binanggit ni Mavi ang panonood ng movie sa kanilang sala, habang pinili naman ni Viela ang pagkanta ng sama-sama bilang kanyang paboritong family activity bago matulog.

Sa pagdiriwang ng Pasko ngayon, aminado ang pamilya na mas may kahulugan ito dahil sa presensya ng kanilang mga anak. Ayon kay Vien at Junnie, masaya sila na sa kabila ng kanilang pagiging vlogger, kasama nila ang mga bata sa halos lahat ng aktibidad, na nagiging bukas na libro sa mga manonood kung paano nila pinapalaki ang kanilang mga anak.

Bukod dito, ibinahagi rin ng mag-asawa ang mga hamon sa pagpapalaki ng kanilang mga anak gaya ng wastong pamamahala ng oras, gastusin sa edukasyon, at pagpapatibay ng karakter ng mga bata.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang humanga sa kanilang family bonding at nagsabing inspirasyon sila sa ibang magulang na mas bigyan ng oras at pansin ang kalidad ng samahan kasama ang kanilang mga anak.

@joycemarcelo1163: “Now I understand why they say you are a dream family.”

@clarisseleonin: “Gustong gusto ko talaga yung ambiance ng family niyo. Talagang healthy at giving good vibes.”

@bevverdera277: “Hindi niyo namamalayan pero you are indeed a dream family. Thank you for inspiring us parents to strive harder for our children. Isa sa goals ko na ma-achieve yung bonding kagaya ng nagagawa niyo. More power, Giyang family.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

1 day ago

YNO Turns Heads With Their Live Wish Bus 107.5 Performance of ‘Because’

Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang…

2 days ago

Dudut’s Pasta Adventure: Filipino Flavors Meet Italian Classics

Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

4 days ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

1 week ago

This website uses cookies.