Kevin Hermosada and Dionela Share Inspiring Take on Music and Friendship

“Minsan, kailangan lang talaga nating marinig na okay lang mapagod.” Ganito sinimulan ni Kevin Hermosada ang kanyang bagong vlog — puno ng mga salitang parang yakap sa mga taong dumadaan sa mahirap na pagsubok. 

Sa kanyang vlog, pinaalala niya na hindi masama ang pagsuko, basta marunong ding magpahinga at bumangon muli sabi nga niya, “Tough times never last, but tough people do.”

Kevin H. x Dionela

Sa nasabing vlog, ipinakilala ni Kevin Hermosada ang isa sa kanyang matalik na kaibigan na si Tim, o mas kilala sa pen name na Dionela, ang musikero sa likod ng mga kantang “Oksihina,” “Marilag,” “Sining,” at “Ikigai.” 

Kwento ni Kevin, matagal silang hindi nagkita dahil sa sunod-sunod na gigs at songwriting projects ni Dionela, kung kaya’t naging espesyal ang biglaan nilang pagkikita.

Pagdating ni Kevin sa bahay ni Dionela, agad niyang napansin ang mga pagbabago mula sa bagong TV, mas maayos na studio setup, hanggang sa mga kotse at instrumentong bunga ng matagal na pagsisikap. 

Pero sa kabila ng mga materyal na tagumpay, ipinakita ni Kevin sa kanyang vlog na mas pinahahalagahan ni Dionela ang mga taong kasama niya sa biyahe tungo sa tagumpay.

Words That Heal

Kwento niya, dumating sa punto na halos wala na siyang pera matapos ma-scam, pero hindi siya bumitaw. Sa halip, ipinagpatuloy niya ang paggawa ng musika, at doon siya muling bumangon. 

Ngayon, pantay-pantay na silang kumikita ng kanyang banda, isang patunay na hindi lang siya nagtagumpay para sa sarili, kundi pati para sa mga taong naniniwala sa kanya mula simula.

Sa huling bahagi ng vlog, ibinahagi ni Kevin ang isang mensaheng puno ng pag-asa—na hindi ito tungkol sa dami ng panalo, kundi sa kung gaano ka katatag sa bawat pagkatalo. 

Ipinapaalala niyang walang masama sa pahinga, at na minsan, ang kailangan lang ay maging tapat sa sarili at magpakatotoo sa nararamdaman.

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

44 minutes ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

1 hour ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

1 hour ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.