Netizens Giggle Over Kidlat and Tokyo’s Resemblance to Mommy Viy and Daddy Cong

Papuri ang hatid ng online titos and titas sa magkapatid na Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, at Tokyo Athena Velasquez matapos ibahagi ni Mommy Viy ang kanilang mga litrato.

Tunghayan ang mga pagbati ng netizens nang mapansin ng proud parents ang kanilang pagkakahawig sa kanilang lumalaking mga anak.

Little Viviys and Little Cong

Noon pa man, isa na sa pangarap ng Team Payaman vloggers na sina Viy Cortez-Velasquez at Cong TV na bumuo ng kanilang munting pamilya.

Matapos ang ilang taong pagsasama, nagbunga ang kanilang pagmamahalan nang dumating ang kanilang mga anak na sina Kidlat at Tokyo.

Patuloy na ipinapaabot ng mga taga-suporta ng proud parents ang kanilang pagkatuwa sa cuteness overload na hatid ng kanilang unica hija at unica hijo.

Sa isang Facebook post, masayang ibinahagi ni Mommy Viy ang nakangiting litrato ng kanyang panganay at bunso.

“Mini Viy [Tokyo], Mini Cong [Kidlat],” aniya sa kanyang caption.

Sa nasabing post, kitang kita na kuhang-kuha ng magkapatid hindi lamang ang itsura ng kanilang mga magulang, kung hindi pati na rin ang ilan sa mga ugali nito.

Si Tokyo, sapagkat hindi pa nakakapagsalita ay kuhang-kuha ang bungisngis ng kanyang Mommy Viviys.

Samantala, namana naman ni Kidlat ang pagkapilyo at masayahin ng kanyang Daddy Cong, na siyang minahal ng masa.

Netizens’ Reactions

Inulan ng mga nakakatuwang mga komento ang nasabing Facebook post ni Mommy Viy matapos makita ang larawan ng magkapatid.

Langgam Lens: “Cute si Kidlat! Cong na Cong!” 

Jerica:: “Face shape ni Viy + face ni Cong = Kidlat. Face shape ni Cong + face ni Viy = Tokyo!”

Ringgo Ocampo: “Oo nga po ma’am, sa inyo po ‘yung mata. Sana ‘yung tawa din, sarap nyo po kasi pakinggan pag tumatawa, nakakadala!”

Lineth: “Mini Viy yan sila pareho!”

Jhōy Parocha Farren: “Sarap panoorin at suportahan ang pamilya nyo!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

8 hours ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

2 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

2 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

3 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

4 days ago

This website uses cookies.