Yiv Cortez Tries TikTok Food Trends in Her Latest Vlog

Naghatid ng masayang “mukbang” content ang Team Payaman Next-Gen vlogger na si Yiv Cortez matapos subukan ang ilan sa mga viral na pagkain sa TikTok.

Mula sa mga chichirya hanggang dessert, ibinahagi ni Yiv ang kanyang honest review sa bawat pagkain upang alamin kung sulit nga bang subukan ang mga ito.

TikTok Bites

Sa kanyang bagong vlog, sinimulan ni Yiv Cortez ang food review sa Chicharong Baka na tinawag niyang “tipikal na chichirya” ngunit masarap at sulit subukan. Sumunod naman ang Takis, isang spicy snack na matagal na niyang gustong subukan. 

Dito, inamin niyang hindi siya mahilig sa mga maanghang na pagkain kaya’t hindi ito pumasa sa kanyang panlasa, bagama’t inirekomenda niya pa rin ito sa mga mahilig sa spicy flavors.

Kasunod nito, tinikman ni Yiv ang Tochi Chips na may tatlong flavors—Smoked Barbecue, Cheddar Sour Cream, at Golden Honey Butter. Lahat ay pumasa sa kanyang panlasa, at binigyang-pansin pa niya ang pagkakaroon ng balanse na flavor ng bawat variant.

Sunod niyang sinubukan ang Moringa Chips at Turones de Casoy, na pareho niyang nagustuhan dahil sa malasa nitong timpla. 

Ayon kay Yiv, gumawa siya ng ganitong klase ng content upang makatulong sa mga gustong bumili ng mga trending food items at magkaroon ng ideya sa lasa bago umorder.

“Ginawa ko rin ‘tong video kasi bago kayo umorder, edi nakita niyo kung ano ang opinion ko, diba? So, alam niyo na,” ani Yiv sa kanyang vlog.

Hindi rin pinalampas ni Yiv ang kakaibang ZiHaiGuo Self-Heating Instant Rice Meal, isang Chinese ready-to-eat meal na umiinit gamit lamang ang tubig. Ayon sa kanya, masarap ang lasa at maganda itong opsyon para sa mga mahilig mag-travel, ngunit pinaalalahanan niya ang mga manonood na huwag itong kainin araw-araw.

Sa huli, natikman ni Yiv ang ilang dessert gaya ng CCLand’s Toasted Pastillas, Konu’s Mini Krunch Cereal Jar, Drip and Bites Cookie, at Mango Cubes Gummy

Pinuri niya ang cookies dahil sa balanse nitong ng tamis at tekstura, ngunit inamin niyang hindi niya nagustuhan ang mango cubes dahil sa maanghang na powder na kasama nito.

Netizens’ Comments

Samantala, nag-iwan ng mga mensahe ng suporta at hiling para sa susunod na mukbang vlog ang mga manonood.

@ezrabuelva9488: “Mukbang with Geng, pleaseeeeee!”

@bcrabuga: “Yeyyy vlog!”

@bretheartgregorio1886: “Power sa’yo, Yiv!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

16 hours ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

2 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

2 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

3 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

3 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

4 days ago

This website uses cookies.